CHAPTER 10

2.1K 49 1
                                    

Pagkatapos ng harap-harapang paninigaw sa'kin ni Sir Clint, dumiretso na ito paakyat sa taas.

"N-nanny..." Naramdaman ko ang pagyakap ni Tala mula sa likuran ko. "I'm s-scared... Daddy is really mad at m-me..." sumisinghot-singhot pang sumbong niya sa'kin.

Hinarap ko si Tala at pinunasan ang basang mukha dahil sa luha. "Don't be, Nanny's here for you, okay? So you have nothing to worry about."

Inaya ko si Tala paupo sa mahabang sofa. "What happened, hmm? Ano ba'ng ginawa mo sa school na hindi nagustuhan ng daddy mo?"

"I... I pushed one of my classmates."

"Why? That's bad, bakit mo ginawa 'yon, baby?"

"I pushed Sammy because she's saying that I have no parents, she pissed me off."

"You knew to yourself that it wasn't true, right? Kaya dapat ay hindi mo na lang pinatulan. And why did she tell you that?"

"Not just Sammy but also my other classmates, because they didn't see Daddy attending the parent meeting... that's why they teased me. Napulot lang daw ako sa putikan."

"Baka hindi naman kasi alam ng daddy mo. Did you tell your daddy that you have a parent meeting at school?"

Umiling lang si Tala. "I knew he won't attend."

Naawa naman ako sa bata nang biglang lumungkot ang mukha nito. "Edi si Nanny na lang sana. Next time, sa'kin mo na lang sabihin kapag may meeting sa school, okay? I will talk to your teacher that I'm your guardian, pwede naman 'yon."

Biglang yumakap sa'kin si Tala at humilig sa dibdib ko. "Thank you, Nanny."

"You're welcome, baby. But promise to Nanny, na huwag mo nang patulan ang mga nang-aaway sa'yo. Isumbong mo kay Nanny, ako na ang bahala."

"How about Daddy?" Umangat ulit ang tingin niya sa'kin. "H-he's mad."

"Hayaan muna natin ang daddy mo, mainit pa kasi ang ulo nun... For now, samahan mo na lang si Nanny sa kitchen magluto. But first, you need to change your uniform into comfy clothes, pawis ka na, oh," I said while caressing her back. "Let's go first in your room, then we'll go to kitchen after."

"Where's Crystoff, Nanny?" tanong ni Crystal nang paakyat na kami.

"Nasa kwarto n'yo. He's sleeping."

Nang makapagbihis si Tala ay ayaw na nitong lumabas at baka raw makita siya ng daddy niya. Natakot na tuloy ang bata. Sa kwarto na lang daw siya at babantayan ang kapatid.

Bago ako lumabas ng kwarto ay sinipat ko muna ang noo ni Toff. Gumamit na rin ako ng thermometer para makasiguro. Matapos ko kasi siyang paliguan kanina ay ro'n ko napansin na may sinat ito. Natatakot naman akong basta-basta na lang na magpainom ng kung anong gamot, kaya tinawagan ko muna si Ma'am Cres para komunsulta. Isa siyang pediatrician kaya alam niya ang pwedeng ipainom na gamot sa lagnat para sa isang batang gaya ni Crystoff. After kong matawagan si Ma'am Cres, pinainom ko agad ng gamot si Toff na prescribed ng kanyang Mamila. Maya-maya ay ro'n na nakatulog si Toftof, halata sa katawan nito na matamlay at masama ang pakiramdam. Mabuti naman at tumalab agad ang gamot, ngayon ay normal na ang temperature ng kanyang katawan. Marahil ay dala lang ito ng bigla-biglang pagbago ng panahon.

*****

"Nanny, can you sleep beside me?" hinging pakiusap ni Tala nang papalabas na ako sa kwarto nila.

Akala ko ay tulog na siya nang mapatulog ko na rin si Toff. Kapag nasiguro ko kasing pareho nang mahimbing ang kanilang tulog ay saka ako pupunta sa tinutuluyan kong kwarto. Sanay na rin si Toff na mag-isa sa kama niya matulog, magigising na lang itong maghahanap ng dede kaya tinitimplahan ko na ang mga bote at inilalagay sa bedside table, alam niya na 'yon dahil sinanay ko na. Sinanay ko rin na wala na siyang katabi matulog at ayoko rin na pati ako ay masanay, pareho lang kami nitong mahihirapan kapag dumating ang panahon na magkaibang bahay na kami titira. Hindi naman kasi habang buhay ay kasama ko sila sa iisang bahay. Pero hindi ko na muna dapat 'yon isipin, halos mag-iisang buwan pa lang kaming magkakasama, at sana ay mahaba-haba pa ang aming pagsasamahan.

Mr. Billionaire's ProposalOnde histórias criam vida. Descubra agora