CHAPTER 14

2.1K 48 3
                                    

Nang matapos kong mahugasan ang mga bote, ibinaba ko ang milk powder sa countertop para dito na magtimpla.

Ramdam ko ang presensya ng taong nakatayo sa may bandang likuran ko habang nagtitimpla ako ng gatas para kay Toff.

"Are they already sleeping?" tanong ni Sir Clint na siyang nasa likuran ko.

Tumango lang ako, kita niya naman iyon kahit nakatalikod ako sa kanya. Common sense naman din kasi ng tanong niya, malamang ay tulog na ang mga bata dahil anong oras na rin. Pero himala nga, dahil hindi pa masyadong malalim ang gabi ngayong umuwi siya na lasing, first time atang nangyari 'to.

Dalawang bote lang ang tinimplahan ko, nilalagyan ko na ng mainit na tubig ang mga bote nang mawala ang ingay sa paligid, umalis na ata si Sir Clint, siguro ay tinanong niya lang talaga kung tulog na ang mga bata.

Bitbit ko na ang dalawang bote nang pag-ikot ko ay sumalubong sa'kin ang mukha ni Sir, napaatras pa ako dahil sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa.

"S-sir..." garalgal ang boses na sambit ko nang umaabante si Sir habang umaatras ako.

Hanggang tuluyan nang nakalapit sa'kin si Sir Clint dahil wala na akong maatrasan. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa countertop kaya wala na akong takas dahil nasa pagitan ako ng mga braso niya. Ginawa ko na lang panangga ang hawak kong milk bottles, inilagay ko sa harapan ang dalawang kamay kung saan hawak ko ang dalawang boteng may lamang nakatimplang gatas na para namang mapoprotektahan talaga ako ng mga ito.

"Sir naman, k-kapag... kapag may ginawa po talaga kayong masama sa'kin, hindi po ako magdadalawang isip na kasuhan po kayo."

"If you would do that, it's like you're hitting the great wall of China." He's smirking.

"Yabang!"

"What did you just say."

"W-wala po. Ang sabi ko po ay hindi ako nagbibiro sa ikakaso sa'yo kapag tinuloy mo po ang balak mong gawin," lakas-loob kong saad.

"Anong kaso naman ang ipapataw mo sa'kin?"

"Kasong harassment po, Sir," walang pag-alinlangan kong saad.

"Do whatever you want, but you can't stopped me from telling how I feel towards you?"

Natigilan ako.

Kinuha niya mula sa mga kamay ko ang milk bottles na hawak ko at inilagay ang mga 'yon sa countertop. Pagkakataon ko na sana 'yon para umalis sa kusina at tumakbo na paakyat sa taas pero biglang napako ako sa kinatatayuan.

Bumalik sa harapan ko si Sir Clint, ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa. Sa pagkakataong ito ay itinaas niya ang kanyang kamay, saka marahang idinampi at ipinadaan ang likod ng palad sa gilid ng mukha ko, napapikit naman ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam na dulot ng kanyang haplos.

"You know what? You look so lovely, that's why I wouldn't be surprise why my family really likes you. Even the kids like you that much in just months that you became their nanny. But how? Paanong nakukuha mo agad ang loob nila?"

Sandaling natigilan si Sir Clint at napahilamos pa ito sa mukha. "Ho-how? Paanong pati ako... nagugustuhan na rin kita? F*ck this feeling of mine towards you!"

Literal ang pagkagulat ko dahil sa biglang pagsigaw ni Sir Clint at sa mga salitang binitawan nito.

Humarap siya sa'kin na namumula na ang buong mukha.

"S-sir, lasing lang po kayo kaya kung anu-ano na ang nasasabi n'yo," ani ko nang makabawi mula sa pagkagulat. "Ipahinga n'yo na po 'yan, ma--"

"Don't you ever dictate my feelings towards you!"

Mr. Billionaire's ProposalWhere stories live. Discover now