CHAPTER 21

2.4K 56 4
                                    

Napadaan kami sa mga stall kung saan may games na lalaruin at may makukuha ring prizes kung mananalo. May isang stall kaming nadaanan na siyang nagpatigil kay Tala.

"Nanny, I want that." Tinuro niya ang malaking purple teddy bear. "Bili po natin."

"Baby, mukhang hindi naman 'yan nabibili. You need to play games to have that as a prize if you won.

"But, Nanny, gusto ko po 'yon."

Napansin siguro ni Clint na hindi na kami nakasunod sa kanila kaya tumingin ito sa likuran, at nang makita kami na natigil sa isang stall ay binalikan niya kami.

Ibinaba ni Clint si Toff sa tabi namin. "What's the problem here?"

"Gusto raw ni Tala nung malaking teddy bear. Ang problema ay hindi naman 'yan nabibili rito."

"Crystal, there's a lot of that stuff in the mall. We'll gonna buy like that teddy bear. Promise 'yan ni Daddy sa'yo."

"Me also, Daddy. Buy me a lot of paw patrol toys."

"Sure thing, kiddo."

Nagpapadyak si Tala na yumakap sa'kin. "G-gusto ko n-nga 'yon."

Nagsimula nang manginig ang balikat ni Tala senyales na umiiyak na ito.

"Sshhh, baby. Sabi naman ng daddy mo ay ibibili ka niya. Mas maraming magaganda at malalaki pang teddy bear ang mabibili natin sa mall," pag-aalo ko kay Tala habang marahang hinahagod ang likod niya.

Napansin kong nilapitan ni Clint ang nagbabantay sa stall. Naririnig kong tinatanong niya kung pa'no raw ba ang laro para mapanaluhan ang malaking teddy bear. Maya-maya'y nakita kong nag-abot na ng bayad si Clint.

"Come here, guys!" Agad na tumakbo si Toff papunta sa daddy niya.

Hinarap ko si Tala at pinunasan ang mukha niya. "Daddy's trying to get that teddy bear for you. So stop crying na. Smile na ikaw, Ate."

Lumapit na rin kami ni Tala kung saan nakapuwesto ang daddy nila na ready na maglaro.

"I will play. And all you have to do is to cheer Daddy, okay? Para makuha natin ang big teddy bear."

May hawak si Clint na parang maliit na arrow at sa medyo kalayuan ay may mga maliliit na lobo. Ang kailangan palang gawin ay dapat magkakasunod na makapagpaputok ng tatlong lobo gamit ang arrow.

Nagsisigaw na si Toff ng, 'Go, Daddy!' nang nagsimulang maglaro si Clint.

Ilang ulit din bago nakapagpaputok ng isang lobo si Clint, at ang sunod noon ay pumalya na kaya hindi na counted yung isang natamaan, ang ending ay back to zero ulit ang score. Dapat kasi ay tatlong magkakasunod.

Umabot sa ilang minuto na ang nakalipas nang may dalawa nang napaputok si Clint. Para kaming nag-aabang ng lotto result para sa milyong mapapanalunan. Hanggang sa natamaan ni Clint ang maliit na lobo para sa ikatlong lobo na dapat niyang paputukin.  Tila nag-slow motion ang paligid bago kami sabay-sabay na napatalon at nagsigawan.

Nang iabot kay Clint ang malaking teddy bear na napanalunan ay agad niyang binigay kay Tala. Hindi agad 'yon inabot ni Tala, sa halip ay dumiretso siya sa daddy niya para yumakap.

"Thank you, Daddy! Love youuu!"

Kitang-kita ko kung pa'no namuo ang luha sa mga mata ni Clint, na tila ba'y matagal niya nang hindi na naririnig ang mga
katagang 'yon mula sa anak.

*****

"TOTOO?!"

Ako na lang ang nahiya nang halos lahat ng naritong customer ay napatingin sa'min. Kasama ko ngayon si Daisy at narito kami sa paborito naming coffee shop na naging tambayan namin kapag pareho kaming may free time.

Mr. Billionaire's ProposalWhere stories live. Discover now