Chapter 3:

7.6K 217 59
                                    

"Landlady, please? Saglit lang naman e." Pakiusap nung babae dun sa tinawag niyang Landlady.

"Hindi. Hindi. Hindi. Unless, magbabayad sila." Pagmamatigas nung Landlady.

Kanina pa kinukulit nung babae yung Landlady para patuluyin kami sa kwarto niya. Pero, ayaw pumayag nung Landlady unless magbabayad kami.

'Don't you think it's unfair?! Ilang oras or minuto lang tayo dito pero magbabayad pa tayo? Oh my gosh!' Narinig kong reklamo ni Akane sa isip ko. Napapikit nga ako e. Parang nabingi na ata akong ewan... Napatingin naman ako sakaniya at napansin kong pati yung apat ay napatingin din. Mukhang narinig din nila yung inner voice ni Akane.

"Tsk. Ang ingay mo, Akane!" Reklamo ni Ken habang inaalog-alog niya yung ulo niya.

Inirapan lang siya ni Akane.

"Anong maingay sa kaibigan niyo?! Eh, ni hindi nga siya nagsasalita." Agad kaming napatingin dun sa Landlady nung babae.

'Chismosa siya.' Narinig ko na naman ang boses ni Akane sa isip ko.

"Akane-neesan! Ssshh." Saway sakaniya ni Riye.

"Ano ba? Mga abnormal ba yang kasama mo, ineng? O sadyang tanga lang sila?! Eh, hindi nga nag-iingay yung kasam----"

"Don't you dare call us idiot." Biglang naging seryoso yung atmosphere nang sumingit si Hiro sa reklamo nung Landlady. Aba! Maski ako papatulan ko din siya. Sabihan ba daw kaming tanga.

Natahimik din yung Landlady. Natakot ata kay Hiro. Nakakatakot talaga siya kapag sobrang seryoso niya.

"S-Sige po, Landlady, tataas na po kami." Sabi nung babae tapos saka siya tumaas sa hagdan sa gilid habang kami ay nakasunod lang sakaniya.

Pagkaakyat namin sa second floor ay tumigil kami sa isang pink na pintuan. Ito na siguro yung room niya.

Binuksan niya ang pinto at napanganga ako sa nakita ko sa loob.

Magulong pink na bedsheet. Pink na mga unan na nasa kabilang dulo na ng pink kama. Pink na kumot na nasa sahig na. Inilibot ko pa ang mata ko sa buong kwarto. Pink na cellphone case. Pink na drawer. Pink na alarm clock. Pink na coin purse. Pink na bag. Pink shoes?

Okay, hindi naman siya masydaong mahilig sa pink, no?

"Babae ka ba talaga?" Napatingin naman ako sa nagtanong. Si Ken pala. Siguro napansin niyang magulo yung kwarto nung babae. Agad siyang binatukan ni Akane.

"Aray!"

"Ang sama mo!"

Napatingin naman ako dun sa babae. Napayuko siya na wari mo'y nahihiya.

"S-Sorry. Kakagising ko lang kasi kanina nung bumaba ako para mag-breakfast. Sorry kung... kung naabutan niyong.... magulo yung... kwarto ko." Habang nakayuko siya, mapapansin mong nagba-blush siya. Aww. Ang cute! *w*

"Okay lang yon, no." Masiglang saad ni Riye.

"So, ano bang meron dito? Anong ipapakita mo?" Tanong ni Ken dun sa babae.

"Teka, Ken! Easy lang naman. Hindi pa nga natin siya kilala e." Sabi ni Akane.

"Oo nga. Anong name mo?" Si Riye naman ang nagtanong.

"Ako? Uhm.. Ako si Autumn." Nakangiting sabi niya.

Oh my gosh! Ankyut naman!

"Waaah! Ang galing! Hahaha. Yung pangalan natin! Seasons. Ang cute lang. Hihihi. Rainie ako, Autumn ka! Hihihi." Masiglang sabi ko.

Napayuko naman siya at nakita kong nag-blush. Kinuha niya yung phone niya after niyang ma-compose ulit ang sarili. Nag-browse siya don ng something.

"Here. Eto yung sinasabi ko." Sabi niya tapos ipinakita sa amin ang isang story sa isang site sa phone niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang title....

....Tantei High

"Oh my gosh!" Reaksyon ni Akane. Paano napunta yon dun? At saka yung cover. May intense green eyes at may nakalagay na 'Tantei High' sa baba. Yun ang cover.

'Paanong may ganon doon sa site na yon?' Narinig ko ang boses ni Akane sa isip ko.

'Hindi ko din alam, Akane.'

"Paano mo nalaman yan?" Tanong ni Ken.

"At ano ang wattpad?" Tanong naman ni Riye.

Ibinigay ni Autumn sa amin ang phone niya at binasa naman agad namin yon ng mabilisan.

"Ano to?" Napalingon naman kaming lahat kay Hiro na may hawak na weird na bagay. Para siyang hilt ng sword pero ang kaibahan don, walang sword or blade, hilt lang talaga.

'It's not the ordinary hilt.' As usual, boses na naman ni Hiro ang naririnig ko sa isip ko.

'What do you mean?'

'Parang may kakaiba sa bagay na to. I just... don't have any idea.' After that wala na akong narinig na boses sa isip ko. Napaisip naman ako sa sinasabi niyang may kakaiba daw don sa hilt.

"Hindi ba, hilt yan?" Tanong ni Ken.

Napakunot yung noo ni Autumn sa tinanong ni Ken.

"No. Hindi yan hilt. That's my favorite toy. Bigay sakin yan ng mama ko nung 5 years old pa lang ako."

"Really? Pero, mukhang hilt talaga." Sabi ko.

"I think we should take her with us sa Tantei High." Casual na sabi ni Akane.

"Huh? Uto ka na ba, Akane? Bakit naman?!" Komento ni Ken.

"Yeah. We will take her to Tantei High." Pagsegunda ni Hiro sa sinabi ni Akane.

"Pero, bakit?!"

"Alam niya ang mga sikreto natin. Alam niya ang existence natin. Mahirap na baka mas dumami pa ang nakakaalam. And besides, that weird hilt or kung hindi man hilt yon ay mysterious at parang kakaiba, maybe Sir Hiroshi can help us with that." Sabi ko. Napatango naman silang lahat.

"So, what are you waiting for, Autumn? Mag-impake ka na!" Sabi ni Akane.

"Teka," Napatingin kaming lahat kay Hiro dahil sa pagprotesta niya. "Hindi pa enrollment ngayon. How can she enter Tantei High?"

"Oo nga." Napakamot ako sa batok ko with that thought.

"Hmm... What if sa agency natin siya idaan?" Suggestion ni Riye.

"No, Riye. Makikita tayo nina Sir Ryuu." Sabi ni Akane.

"Eh, paano natin siya mapapapasok sa Tantei High?" Medyo iritated na tanong ni Ken.

Natahimik kami at mukhang nag-isip ng paraan yung anim kaya nag-isip na din ako.

Hmm... Napatingin ako sa kama ni Autumn. Pink, huh? Wait. Pink? Girly? Napatingin naman ako kay Autumn. Teka.... P-Pwede kaya?

"Guys----" Napatigil ako sa sasabihin ko ng makita kong nagpapalitan na ng tingin yung members ng Atama.

"Yeah, Akemi. I think pare-parehas na naman tayo ng naiisip." Nakangising sabi ni Akane.

And now, I'm really impressed.

***

The Atama EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon