Chapter 7:

5.1K 164 26
                                    


"Hmm... Hindi ko masyadong ma-identify yung substance. Masyadong faint yung amoy niya na parang matagal nang hindi ginagamit e. Same as dun sa paint brush." Pagpapaliwanag ni Ken.

Matapos kasi ang masalimuot na kadramahan ko sa buhay kanina—chos! Nakatulog ako sa dibdib ni Hiro. XD Wala e. Yung warmth niya yung nakapagpatulog sakin. Pagkagising ko, nandito na kami sa agency at nakahiga ako sa sofa kanina pero ngayon, nasa lapag kami. Wala lang. Trip lang namin sa lapag. XD at nagdededuce na ng clues about sa case.

"Pero, nang tanungin ko si Mr. Aviel Cronico kanina, kakagamit niya lang daw niyang mga yan kagabi." Sabi ko.

"Hmm... Kagabi? If that so..." Sabi ni Akane.

"Pwedeng siya ang murderer." Pagpapatuloy ni Ken sa sinabi ni Akane. Napa-'huh?' naman ako.

"Nung wala kayo, nagresearch pa kami about sa death ni Ms. Crystal. Sir Ryuu helped us. Sabi niya may nakita daw siyang red paint sa likod ng biktima. Pa-cross daw yung paint. At halatang paint brush ang ginamit doon." Paliwanag ni Reiji.

"And the thought na kagabi niya ginamit yon. Sir Ryuu found out that Ms. Crystal died 11:30 P.M. last night. Nakakapanghinala, right?" Akane added.

Ang galing talaga nilang magdeduce. Ako kasi may lahing pagka-slow. :3

"Sa tingin niyo anong motive ng killer para patayin si Ms. Crystal?" Tanong ni Ken.

"According to Mr. Steven Reyes, Ms. Crystal is really a spoiled brat. She's selfish. That's why many people have gone angry and insulted. Maybe the killer's motive was revenge. Mr. Steven Reyes and Mr. Aviel Cronico was fired few weeks ago before Ms. Crystal closed and stopped the construction site." Paliwanag ni Hiro. Okaaaaay. Nosebleed.

'I can read you, moron.' Ayan na naman siya sa 'moron' na yan! Peste!

"So, kung tama si nii-san na revenge ang motive ng killer, makatarungan ba yon? Kasi diba, siguro nagalit sila dahil ipinasara ni Ms. Crystal yung site at maraming nawalan ng trabaho." Napaisip naman kaming lahat sa sinabi ni Riye.

"There's a possibility." Akane mouthed.

"Maybe we should go back to our dorms first and rest. Tomorrow, let's discuss more about the victim." Sabi ni Hiro. Ngayon ko lang napansin na medyo dumidilim na din pala. Ang bilis naman ng araw. :3 Tumango kaming lahat. Kailangan din namin ng pahinga.

Nagsabay-sabay na kaming anim sa pagbalik sa kaniya-kaniyang dorm namin.

Agad akong nagluto ng quick dinner namin saka kami nagshower at humiga na sa kama namin.

"What a restless day!" Sabi ni Akane saka nag-collapse sa kama.

***

"Akemi-neesan?"

"Hmmm...." Naalimpungatan ako nang may biglang yumuyugyog sa akin.

"Akemi-neesan? Get up na. May gagawin pa po tayo." Ayun na naman yung yumuyugyog. Ano bang ginagawa ni Akane at Riye?

*PAAAAAAAAAK!*

"Aray!" Agad akong napabangon habang hawak hawak yung pisngi ko. Namumula na to panigurado.

"S-Sorry, Akemi-neesan." Nakayukong sabi ni Riye.

"Okay lang." Tumayo ako saka nagderetso sa cr at naligo.

Pagkatapos, agad akong kumain ng breakfast ng may mapansin ako.

"Teka. Riye, nasaan si Akane?"

"Nauna na po siya sa agency. Actually, nandun na po kaming lahat kanina. Inutusan po nila akong gisingin ka."

"WHASHT? ANONGSH ORASH NAH BASHHH?" Ngumunguyang tanong ko.

"Bad, nee-san." Saka siya naggiggle. "9:00 A.M. na po. Almost 14 hours ka na pong tulog."

Medyo napabuga ako ng kaunti sa kinakain ko sa gulat. "WHAT? YOU'RE KIDDING ME, RIGHT?" Bigla siyang umiling.

"Oh no. I'm... I'm sorry. Nakakahiya sakanila. Ganito nalang. Mauna ka na, tatapusin ko lang tong kinakain ko tapos susunod na ako. Magdeduce na rin kayo kung gusto niyo. I'll add some details nalang na wala pa. Sige na." Tumango si Riye.

"Pero... are you sure, nee-san?" Agad akong tumango at ngumiti. Ngumiti naman siyang pabalik.

"Bye, nee-san. See you!" Saka siya nagwave.

"Bye. See you!" Saka siya nagdisappear sa loob ng dorm.

Tinapos ko lang ang pagkain ko at saka ko hinugasan ang mga pinagkainan ko. Biglang may kumaluskos sa likod ng dorm namin kaya nadulas sa kamay ko yung platong hinuhugasan ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag.

Bigla akong kinabahan. "Sinong nandiyan?" Kahit may sabon pa ang mga kamay ko dahil nga nagliligpit pa ako, hindi ako nagdalawang isip na lumapit at sumilip sa bintana.

In-enhance ko ang mga mata ko at naghanap nang may makita akong anino na patakbo papuntang gubat. Pamula dito sa dorm namin na nasa fourth floor ay kitang kita ko pa rin ito.

Hindi ko na muna niligpit ang nabasag na pinggan bagkos lumabas ako ng dorm at dali-daling nagtatakbo papuntang gubat. I can stil see the shadow and based on his run, he's a man.

Mas binilisan ko pa ang takbo para mas maabutan ko siya. If only Reiji was here, mas madali namin siyang maaabutan e. Pero, eto nga... ako nalang ang natira. :3

Nakita ko siyang tumigil sa may bungad ng gubat. Umikot siya at humarap sakin though di ko pa din makita ang mukha niya. Lumapit pa ako sakaniya. Pero, habang lumalapit sakaniya, I summoned my gun.

(Remember Akemi's gun from the war? Yun po yon.)

Pero, ang ikinagulat ko ay ang mga mata niya. I expected that he's a Shinigami pero nang makita ko ang mga mata niya, I was wrong.

His eyes. His eyes were bloodshot red. At isa lang ang alam kong tribe na ganyan ang mga mata.

"Custos." Nanlamig ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya. Sobrang cold at expressionless. Brrr. It's giving me the chills.

Pero, ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi siya nakasuot ng casual uniform ng Custos Agents. He's on a silhoutte.

(Okay. I'm not sure with the spelling.)

"Quit staring." He commamded. I felt chills in my nape so I immediately throw my eyes somewhere. Joke. Hahaha. Agad akong umiwas ng tingin.

"W-Wha... What do you want?"

"You." Mas naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang sabihin niya yon.

Lumapit siya nang dahan dahan sa akin kaya agad kong itinutok sakaniya yung gun ko habang umaatras ako.

I shoot my arrow at his shoulders pero agad siyang nakaiwas. Ugggh. He's faster than the wind. Bigla siyang nawala sa harapan ko. In-enhance ko pa yung mga mata ko para hanapin siya nang biglang may magtakip ng bibig ko.

"HMMMP!"

"Come with me."

Kinilabutan ako nang sabihin niya yon kaya agad akong nagpumiglas.

"HMMP! HHMMMM!"

"You'll never escape. Sweet dreams, Akemi."

And with that, naramdaman ko ang pagbagsak ng talukap ng mga mata ko. Then, the next thing I knew, everytging was pitch black.

***

Nagising ako sa isang madilim na lugar. I can't familiarize it though hindi ko rin alam kung saan ako dinala ng Custos Agent na yon.

"Akemi.... It's finally nice to meet you." Nagulat ako nang may biglang nagsalita. I tried to search my surroundings pero iba yung pagka-pitch black ng place.

Just then... my surroundings brighten and a creepy familiar face showed up.

***

Sorry. Short update. XD Sorry sa typos and grammar errors ko. >.

Next chapter is Special Chapter! Pero, chapter 8 pa din po yon. Kaya lang naging special chappy is because hindi POV ni Akemi yon. :) Thanks. :)

The Atama EffectWhere stories live. Discover now