Chapter 19:

3.8K 120 6
                                    


***

'I'm so sorry.'






Napatigil ako nang sabihin niya yon sakin. Bigla nalang siyang magsosorry.






Nilingon ko siya pero nakaiwas siya ng tingin sakin pero ang kamay niya, nakahawak pa din sa pulsuhan ko.






'Please. Sit beside me. I want to talk to you.'






Hindi ko alam kung anong nangyari sakin dahil binitawan ko siya at saka ako umupo sa tabi niya.




"Bakit?" I asked.




"I want to apologize." Mahina niyang sabi.




Hinarap ko siya kaya napatingin din siya sakin saka ko siya binigyan ng isang mapait na ngiti.






"Bakit ka magsosorry? Kailangan ba? Okay lang naman ako, e." Madiin kong sabi.






"Seems like you're hurt." Sabi niya pa.






"B-Bakit ako masasaktan? Ha-ha. H-Hindi, ah! Ha-ha-ha. Galing netong magjoke ni Hiro, e." Peke kong sabi. Grabe. Maniniwala kaya yan sakin? Nags-stutter ako.





Tinitigan niya lang ako.





"What?" Tanong ko.





"Don't do that." Cold niyang sabi. Ano ba yan? Ang lamig na nga dahil pagabi na tas cold pa siya. -.-




"A-Alin?"





"You're obviously hurt. Don't act like you are not because really, you are." Sabi niya.





Wait, tagos, ha. :(





Nararamdaman ko na yung pagproduce ng tubig ng mga mata ko. Namumuo na sila. Huhuhu. Mga mata, wag ngayon, please? Huhuhu.





"E-Excuse me."





Yun na lamang ang tanging nasabi ko saka bumaba nang hill. This time, hindi na niya ako pinigilan. Kaya habang naglalakad, tumutulo na namang muli ang mga luha sa aking mga mata. Kung anong ikina-intense ng mga matang ito kapag nakikipaglaban, siya namang ikinahina kapag emotionally na ginagamit.






Napagdesisyunan ko munang dumaan sa plaza para mahimasmasan.






Bumili ako ng inumin at pagkain para pagdating sa dorm, magpapahinga na lang ako.






Pagkatapos, bumalik na ako sa dorm.





Pagpasok ko, wala si Akane at Riye. Baka nasa plaza at kumakain since wala namang magluluto dito kanina, e.






Kaagad akong nagderetso sa banyo upang magshower at makapagpalit na din ng damit saka ako sumalampak sa kama.






Nakikipag-eye staring contest na naman ako sa kisame. Sorry, kisame. Huhuhu.




Naalala ko na naman lahat ng nangyari kanina. :(





Masakit. Naiiyak na naman ako kaya kinuha ko ang unan sa tabi ko at itinakip ito sa mukha ko habang umiiyak ako.






Pero, ilang minuto pa'y, tumigil na din ang mata ko sa pagluha. Napagod na din siguro sa dami ng iniiyak ko ngayong araw. At feeling ko mugtong mugto na ang mga mata ko.






The Atama EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon