Chapter 18:

3.7K 119 32
                                    

***

"Hala. Pigilan niyo si Autumn!" Sigaw ni Riye.





"Teka. Teka. Hiro!" Tawag naman ni Ken.





"Autumn!" Sabay na sigaw ni Akane pati ni Ms. Reina.





Gosh. ≧⌒≦





Ako kasi nakapikit lang habang nakatalikod sakanila at hinahabol ang hininga ko.





"Ugh.."





"Jusko, jugigo, Hiro!!" Rinig kong sabi ni Akane.





Hindi pa din ako humaharap. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Masyado kasing... masyadong mabilis.





At, ayoko din namang humarap kasi feeling ko, anytime, babagsak nalang bigla ang luha ko.





"Bumalik nalang kayo maya-maya Atama. Pasensya na." Rinig kong sabi ni Ms. Reina.





Bigla nalang akong nagpakawala ng buntong-hininga saka tuluyang lumabas nang walang sabi-sabi sakanila.





"Akemi!"



"Nee-san!"



"Huy, Akemi! Saan ka pupunta?!"



Rinig ko pa nga ang tawag nila sakin pero hindi ko sila pinakinggan.





Habang naglalakad ako, tulo lang din ng tulo ang luha ko.





Nakakatawa na naman ang sarili ko.



Mahina na naman ako.



Napagdesisyunan kong hindi na muna magderetso sa dorm dahil alam kong doon din naman dederetso sina Akane at Riye.





Gusto ko lang ngayong mapag-isa.




Kaya nagderetso ako sa lugar na alam kong mapapanatag ako.



Bago ako pumunta, pumitas muna ako ng green flowers galing sa east side ng gubat. Haha. Bawal pero, ginawa ko pa rin.





Pagkadating ko, umupo kaagad ako.



"Ma.." Sabi ko saka ngumiti ng tipid.




"Kung nandito ka lang sana.." saka ako bumuntong hininga.




"Sobrang sobrang gusto po kitang mayakap, Mama. Kahit alam kong imposible, umaasa pa din ako." Kaagad ko namang pinunasan ang luhang bigla nalang tumulo sa pisngi ko.






Nawala ako sa moment ko nang maramdaman kong nagbubukas ang black dimension.





Sinummon ko agad ang bow and arrow ko saka ako naging alerto sa paligid ko.





Kinabahan ako nang may biglang magtakip ng mata ko mula sa likuran ko.





Hindi ko naramdaman ang presence niya, ha!





"S-Sino ka?!" Malakas kong tanong.





Naramdaman kong kinuha niya ang bow and arrow ko. Noong una nga, hindi ko ibinibigay pero dahil mas malakas siya, nakuha niya.





Dali-dali niya akong ihinarap sakaniya saka niya tinanggal ang takip sa mga mata ko.


























The Atama EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon