Chapter 6:

5.9K 194 108
                                    


Happy birthday to meee! birthday gift ko sainyo! Enjooooyyyy!

***

"Aviel Cronico and Steven Reyes." Sabi ni Reiji sabay pakita ng printed papers sa mini table.

"Guys-" Magsasalita na sana ako nang bigla akong napatingin sa bintana ni Miyu. May nakita akong kakaiba. Pakiramdam ko mas naging intense green ang kulay ng mga mata ko.

Kitang-kita ko sila.

Agad akong tumayo at lalabas na sana nang biglang hawakan ni Hiro yung kamay ko.

"Where are you going?" Tanong niya. Napatingin ako kina Akane na nakatingin din sa amin ni Hiro na nagtataka.

"May nakita ako." Sabi ko sakaniya. Agad akong kumalas sa pagkakahawak niya at saka bumaba kay Miyu.

"Akane, Riye, Reiji, Ken, the four of you take care of all the informations and evidences in the case. We just have to handle something." Rinig kong sabi ni Hiro. Bigla naman akong napabuntong-hininga. Nabasa niya ang isip ko kanina kaya alam kong alam niya kung sino ang nakita ko.

"Puts-!" Muntikan na akong mapamura sa gulat ko. Bigla kasi akong hinila ni Hiro. At.... ito kami ngayon, tumatakbo papuna sa construction site sa east side.

Nakakapagtaka nga dahil ayon sa sinabi ng ex-secretary ni Ms. Crystal, nakita niya daw itong dalawang ito na naglalakad di kalayuan sa crime scene. So, ibig sabihin, pupwedeng sa construction site sila pupunta or pumunta kasi yun lang ang pwede pang puntahan doon.

"Wag ka munang mag-isip! Kailangan natin silang habulin." Casual na sabi ni Hiro sa akin habang tumatakbo.

"*hingal* Ano ba kasing *hingal* gagawin natin? *hingal*" Hingal na hingal na hingal kong tanong kay Hiro. Bigla niya akong sinamaan ng tingin kaya naman natakot lahat ng pagod na cells ko sa katawan na nagresulta para magmadali ako.

"Ano... Tara na! Dalian mo!" Saka ko siya hinila palapit dun sa dalawang lalaki.

***

"Aviel Cronico." Sagot nitong lalaking blondie, moreno at medyo mabait (sa unang tingin) na lalaki. May suot siyang backpack.

Once kasi na nakarating kami ni Hiro dito, kinausap niya ako through inner voices na kausapin daw namin itong dalawang to.

"Oh, so, ano po bang relasyon niyo with the victim?" Agad na nanlaki ang mata niya na parang hindi makapaniwala.

"S-Sino? Sinong biktima? At... At... At sino ka?!" Agad kong ipinakita ang aking fake FBI ID.

"Rainie Lazaro. FBI. Anyway, si Ms. Crystal Concepcion po. She's a victim of murder." Paliwanag ko. Mas nanlaki ang mga mata niya.

"S-Si Ma'am Crys?!" Ma'am? So that means....

"Sa construction site din po ba kayo nagtatrabaho?" Tanong ko.

Tumango siya. "Oo. Doon din pero ipinatigil na yon ni Ma'am Crys e."

"Bakit po ba ipinatigil?"

"W-Wala rin akong alam." Kibit balikat na sagot niya. Pero, ang ikinaagaw pansin ko ay ang pamumutla niya.

Nakakapangduda itong si Mr. Aviel. Para kasing.... may alam siya na ayaw niya lang sabihin.

'Then that makes him one of our suspects, too.' Napalingon kaagad ako kay Hiro nang bigla siyang magsalita sa isip ko.

'Panira ka talaga ng momentum, Mister.'

'Oh. Am I? Apologies, milady.'

Agad kong iniling-iniling ang ulo ko! Ugh. Trabaho, Akemi! Wag muna lab lab! Unahin mo muna tong case, Rainie! Enebe!  ̄ω ̄

The Atama EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon