Chapter 13:

4.8K 161 58
                                    

Hi! So... sorry, late update ako. Btw, dun sa nagsasabi(nicetrymyfriend), baka po slow connection lang. Refresh
niyo nalang po. :) So... enjoy reading!

-**

"Where are we?" Dinala kami ng mistle toe na yon sa isang napakadilim na lugar. Ni yung sixth sense ko hindi ko magamit dahil sa sobrang dilim.

Medyo umayos na yung pakiramdam ng paa ko kaya nagpababa na ako kay Hiro at nagpasyang maglakad.

Then, may biglang sumagi sa isip ko na isang dark place---as dark as this kaya kinabahan ako at napakapit ng mahigpit kay Hiro.

"H-Hiro." I felt his arms around my waist---also, there were flying butterflies in my stomach.

"Ssssh.. I'm here. We're not at that place." He said. I was pleased kaya nabawasan ang kaba ko.

"P-Pero... nasaan tay----" Naputol yung sasabihin ko nang may marinig kaming sigaw.

"AAAAAAAAAH!" Palapit ng palapit samin yung sigaw kaya mas humigpit yung hawak ko kay Hiro.

"AAAAAAAAHHHH!" Tumigil muna kami ni Hiro sa paglalakad at hinihintay na mawala yung-----

*BLAGGG!*

"Aray." I mouthed.

"Akemi?" Nabosesan ko bigla si Akane.

"A-Akane?" Biglang may humawak sa balikat ko kaya napasigaw ako.

"It's me." Nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong si Hiro pala yon.

"Hiro? Akemi?" Nabosesan ko na naman si Akane.

"Akane?"

"Oo. Ako yung nakabanggaan mo."

"Ha?"

"Andito ako."

"ARAY!" Bigla akong nakaramdam na parang may bumatok sakin kaya napayuko ako sa lakas ng impact.

"Langya, Akane! Nang-iiwan ka!" Habang hawak-hawak ko yung napakasakit kong batok, biglang nagliwanag kaya nagulat kaming lahat.

"AKEMI?!" Nagulat ako sa sigaw ni Ken.

Umikot ako para harapin siya habang nakangiwi at nakahawak pa din sa batok.

"A-Ako yung binatukan mo, Ken." Nakangiwi kong sabi.

"A-ANO?! HALA. SORRY, AKEMI! SORRY!" Nagulat ako nung bigla niya akong yakapin at hinaplos haplos yung batok ko.

"O-Okay lang, Ken. Hehe."Biglang lumapit si Ken sa tenga ko at bumulong.

"Akemi, mag-mamagic ako. In just three seconds, mawawala ako." Napa-'huh?' ako sa sinabi niya. Pero bago pa mag-sink in sakin yung sinabi niya, napakalas si Ken sa yakap sakin at tumilapon sa sahig.

"Ken!"

"HIRO!" Napalingon ako sa nasa tabi ko. Si Hiro. Galit na galit siya base sa expression ng mukha niya. Napalingon naman ako ulit kay Ken at nilapitan na siya ni Akane ngayon.

"Hiro, bakit mo ginawa yon?" Tanong ko kay Hiro.

"Tss. Fck this shit." Saka siya tumalikod at naglakad. Pero, biglang nakatayo si Ken at hinabol si Hiro sabay sapak sakaniya.

"Ken!" Sabay kaming napasigaw ni Akane.

"Langya, Hiro! Anong problema mo?!" Biglang parang nagdilim yung paningin ni Hiro(sa tingin ko) at jinombag niya rin si Ken. Pweeee! Jinombag? Anong term yon? Shems.

The Atama EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon