Chapter 04

1.3K 39 0
                                    

I woke up with a heavy feeling. Pakiramdam ko ay nilalagnat na ako dahil sa naulanan kami kagabi. Napasapo ako sa noo ko habang nakaupo sa kama para i-check ang sarili ko. Confirmed! Tangina naman.


Kahit nahihilo at nanghihina ay napilitan akong bumangon lalo na nang maalala kong nasa condo ako ni unggoy. Hindi sinasadyang napatingin ako sa wall clock at napamura ng literal dahil sa oras.


Ala-una na ng hapon!


Hindi nya manlang ako ginising! Nang makalabas ako sa kwarto nya ay sobrang tahimik ng buong unit. Wala akong marinig na kahit na anong ingay kaya naisip kong baka wala sya at lumabas ng hindi manlang ako ginigising.


Maglalakad na sana ako papunta sa kusina para uminom ng tubig nang masulyapan ko ang sofa kung saan sya natulog kagabi at napakunot ang noo ko nang makita ko syang andoon at parang sobrang nilalamig pa dahil balot na balot sya ng kumot.


Mabilis akong naglakad papalapit sa pwesto nya at napasapo nalang sa noo nang makitang nanginginig sya sa lamig. Nang kapain ko ang noo nya ay na-stress na ako dahil nilalagnat din sya! Tanga kasi, eh! Edi sana hindi kami nilalagnat ngayon kung dineretso nya sa parking ang sasakyan nya!


Pero wala na akong oras para magturo ng sisisihin. Lumuhod ako sa sahig at nang nagpantay ang mukha namin ay sunod-sunod ang ginawa kong paglunok. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan or dine-deny ko lang kahit alam ko naman ang dahilan? Ewan ko na!


"Hoy... Gising," marahan ko syang inalog para magising. Palilipatin ko na sya sa kwarto nya dahil kawawa naman sya dito at pinagkakasya lang ang sarili. Ang tangkad kasi.


"Hmm..." Marahan syang gumalaw kaya medyo lumayo ako at baka matamaan ako nung kamay nyang bahagya nyang itinaas para ipatong sa noo. "What time is it?" Nanghihinang tanong nya.


"It's already one." Napaupo tuloy ako sa sahig dahil sa gulat nang bigla syang bumangon na parang walang sakit pero napailing nalang ako nang ibagsak nya ulit ang sarili nya sa sofa dahil sa pagkahilo.


"Nilalagnat ka. Kaya mo bang maglakad? Lipat ka na doon sa kwarto mo at aalis na din ako..." Sabi ko sakanya. Bahagya nya akong tinignan at ayan nanaman ang puso ko kaya umiwas kaagad ako ng tingin sakanya. "Dali na."


"Fuck, my head hurts! Umiikot paningin ko amp." Natatawa pa sya. Anong nakakatawa doon? Inirapan ko sya at sinubukang tumayo pero napaupo ako ulit dahil biglang umikot ang paningin ko. "Fuck! Are you okay? Shit, you're burning!" Naramdaman ko ang kamay nya sa noo ko habang chine-check ako.


"A-ayos lang... P-pumasok ka na sa kwarto mo... Uuwi na ako..." Sinubukan ko ulit tumayo pero tangina, umiikot talaga ang paningin ko. Napabuntong hininga sya at naramdaman ko nalang na lumutang na ako.


"I-ibaba mo-,"


"Shut up. Just rest. Bibili lang ako ng gamot." Aniya pagkalapag nya saakin pabalik sa kama nya. Napasinghot ako at napahawak sa ulo ko dahil parang binibiyak na sa sakit. Bakit parang lumalala ang sakit ko?


"Wag kang gagalaw dyan. I'll be back." Akmang aalis na sya pero hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya sa akmang pag-alis nya. Gago ba sya? May sakit din sya tapos aalis sya? Paano kung bigla nalang syang mahimatay sa labas? Tanga talaga.



"T-tanga ka talaga..." Inis na sabi ko habang mahigpit na hawak ang pala-pulsuhan nya para hindi sya makaalis. Kinakabahan ako para sakanya dahil baka bigla syang mawalan ng malay doon sa ibaba tapos hindi ko alam!


"Are you worried?" May mapanuyang ngiti sa labi nya kaya napairap ako at napabitaw sakanya kaagad. Hindi, ah! Anong nag-aalala? Duh, sino ba sya?



It Was Too Late (Varsity Boys Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum