Chapter 25

1.4K 24 0
                                    

Halos hindi na ako makatingin sa kanya kinaumagahan. Sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ay umiinit ang magkabilang pisngi ko at kaagad na iiwas sa kanya. He already tried to talk to me and said that was normal but It wasn't! I was fucking embarrassed!


"Hey, baby, talk to me, please..." He caught me and trapped me in his arms. Iwas na iwas ako sa kanya dahil sa kahihiyan.


"What's the matter, baby?" Marahang tanong nya habang nakatitig ng malambing sa mga mata ko. Ilang beses akong napalunok at umiwas na naman sa kanya dahil sa pagka-ilang. "Hey..."


Bumusangot ako dahil halata naman sa kanya na alam nya na ang problema pero gusto nya lang akong ipahiya lalo! Parang gusto pa nga nyang tumawa pero pinipigilan nya lang dahil masusuntok ko na ang labi nya kapag tumawa sya!


"Doon ka nga... Masusunog na mamaya—,"

Naputol ang sasabihin ko nang lumapat ang masarap nyang labi sa akin at wala akong ibang nagawa kundi magpadala sa masarap nyang halik. Nang lumayo sya ay mas lalo lang nadagdagan ang kahihiyan na nararamdaman ko at tinawanan nya pa talaga ako!


"What are you embarrassed about? Is it about—,"


"Oo! Tumahimik ka na at ayoko nang maalala!" Inilagay ko ang hintuturo ko sa labi nya upang patigilin sya sa sasabihin nya sana. Sumabog ang tawa nya na mas lalo lang nagpadagdag sa kahihiyan ko, pero nang yakapin nya ako sabay buhat ay nabawasan ng kaunti ang kahihiyan na nararamdaman ko.


He made me sat on the counter top and he's standing in between of my thighs. Nagkatitigan kami at malaki ang ngiti nya sa akin. He rested his hands on my waist and lean closer to my face. I thought he would going to kiss me but I was wrong. He smiled widely and he's obviously teasing me because he knew what I thought he is going to do!


"Bwisit ka!" Hinampas ko sa braso at mas lalo lang syang tumawa.


Hindi nya tinigilan ang pang-aasar sa akin hanggang sa maihatid nya ako sa meeting place naming magkakaibigan. Kahit sa loob ng sasakayan ay hindi nya ako tinigilan, at hanggang sa makababa ako ay patuloy ang pang-aasar nya na ikinaasar ko at hindi na sya pinansin pa.


Tangina mo, manuyo ka ngayon!


"Babe! Baby! Bibi ko! Bebi ko!"


Hindi ko sya pinapansin hanggang sa makapasok ako sa cafe kung saan andoon sila Camila at Vander na naglalandian na naman. Napairap ako at naupo sa tapat nila at sabay silang napatingin sa akin.


Kaagad na lumipat sa tabi ko si Camila at sya namang pagdating ni Ethaniel at nakanguso sya sa akin pero hindi ko sya pinansin at nakinig nalang sa pagbubunganga ni Camila sa akin na nagrereklamo dahil kaya daw ako nagtagal sa America dahil andoon si Ethaniel.


Duh? Hindi kaya.


"Tapos magugulat nalang kami sa Instagram post mo na may caption na 'mine'! Grabe!" Paghihisterya nya. Napabuga nalang ako ng hangin at hinarap sya pagkatapos ay hinawakan sya sa magkabilang balikat upang pakalmahin dahil inis na talaga sya sa'kin.


"Relax! Relax lang, girl! Hindi mo ba alam yung word na 'surprise'? Iyon 'yon! Surprise!" Pero umirap lang sya at bumalik sa tabi ng kasintahan nyang parang tangang nakangisi kay Ethaniel at nakikipag-usap pero nang naupo sa tabi nya si Camila ay itinuon nya kaagad ang buong atensyon nya sa kanya.


"Hi, Vander! Baka naman gusto mo akong i-welcome home, diba? Baka lang naman, 'tol?" Pero mukhang wala syang narinig dahil nakikinig talaga sya sa pagbubunganga ni Camila at pilit na pinapakalma. Napairap nalang ako at nagtama ang tingin namin ni Ethaniel at gusto kong matawa dahil para syang aso sa gilid ko na hindi pinapansin ng amo.


It Was Too Late (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now