Chapter 11

1.1K 26 0
                                    

I woke up when I felt someone is combing my hair in a gentle way. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at ang kanyang leeg ang unang sumalubong saakin. Inangat ko ang tingin ko sakanya kaya sya napatigil sa ginagawa at nginitian ako.

"Goodmorning, babe..." He whispered and kissed me on my lips. Awtomatikong pumikit ang aking mga mata pagkalapat ng labi nya saakin. "Are you feeling alright now?"

Nakipagtitigan ako sakanya at unti-unting tumango nang maalala ang nangyari kagabi. Nakatulugan ko ang pag-iyak habang yakap yakap nya ako habang pinapatahan. Hindi nya naman ako pinilit na sabihin sakanya ang naging dahilan kung bakit ako umiiyak dahil hindi ko din naman 'yon masasabi sakanya.


"You can tell me your problems, hmm? Problema mo, problema ko na rin..." Aniya habang hinahaplos ng marahan ang buhok ko. Tumango lang ako habang nakayakap sakanya ay mas hinigpitan pa. "I love you..."

"I... Love you..." Nahihirapang sabi ko dahil naiiyak nanaman. Napalunok ako at sinubsob pa lalo ang mukha sa dibdib nya dahil tutulo na ang luha ko at ayaw kong makita nya 'yon.

"P-please don't leave me..." Natatakot na pahabol ko na ikinatigil nya sa paghaplos sa buhok ko. Dumagundong ang kaba saakin dahil baka bigla na naman syang magtanong kung bakit ko 'yon sinasabi, wala akong maisasagot.

"I won't... I will never leave you, babe..."


Wala akong ganang kumain dahil sa hindi ko maipaliwanag na takot sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit nalang ganito, wala namang mangyayaring masama. Siguro natatakot lang akong maiwan nya... pero sabi naman nya ay hindi nya ako iiwan. Kakapit ako doon.

If ever this relationship won't work... I don't think I'm willing to  love again after him. I don't think I'm going to risk again. I'm just going to be single forever like what my real plan is. I will never fall in-love again. Only him I will love for the rest of my life


"Hey, you need to eat, babe. Baka magkasakit ka n'yan..." Sumandal lang ako sa balikat nya at pumikit. Para akong may sakit dahil hindi ko magawang kumain. Para akong lantang gulay dito sa tabi nya at pilit nyang pinapakain. "Open your mouth, babe... Kahit isang subo lang..."



Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at unti-unting ngumanga para tanggapin ang pagkain na isusubo nya saakin. Hindi ko ma-appreciate ang luto nya kahit na masarap dahil sa nararamdaman kong kakaiba. Feeling ko kasi iiwan nya ako bigla. Parang ayaw ko na tuloy syang pauwiin sa condo nya mamaya at sabihing tumira nalang kasama ko.


Kinuha ko na sakanya ang kutsara nang may tumawag sakanya at nagpaalam syang sasagutin lang saglit 'yon. Napatitig ako sa likuran nya habang naglalakad sya palayo at malakas na tumibok nanaman ang puso ko. Parang hindi ko kayang tignan syang naglalakad palayo saakin dahil parang iiwan nya ako.


Ang sakit.


"What?! Fuck you, Cleo! Why would I do that? I have my fucking girlf—No! I won't! Bakit ako pa? How about Hunter? No. Huwag mo akong idadamay sa mga kagaguhan mo." Kaagad akong umiwas ng tingin sakanya nang bigla syang humarap sa gawi ko pagkababa nya ng tawag.


Sino si Cleo?


Nakailang beses akong lumunok habang naglalakad sya papalapit sakanya at nang nasa tapat ko na sya ay tatanungin ko na sana sya kung sino yung kausap nya dahil parang galit pa sya nang bigla syang lumuhod at niyakap ako mula sa gilid.


Umawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa ginawa nya. Napalunok ako at hinayaan ko sya sa gusto nya habang marahan kong sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri ko.


It Was Too Late (Varsity Boys Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt