Chapter 41

1.5K 37 9
                                    

TW: mention of killing, attempted murder

I didn't believe it at first when Tiffany said that I'm still in-love with the man who broke and failed me years ago. Hindi ako naniniwala roon dahil natatakot akong baka magkatotoo nga kasi wala naman na akong nararamdaman para sa kanya kundi galit at pagkamuhi.

When we met again, I realized that maybe, she's right. I just don't want to admit it because I was scared of what will happen. I don't want another heartbreak after a heartbreak. Ayoko nang maulit ang nangyari noon. Natatakot na akong sumugal dahil baka sa pagkakataong ito, sumuko na talaga ako.

Now that he's back... again, I'm pretty sure that I won't be able to stop my feelings for him. I know this is all wrong because I should be mad at him, but my feelings for him is stronger than the madness.

Nang muli syang tumapak sa kumpanya ay wala akong ibang ginawa kundi titigan sya at panoorin ang mga galaw nya. Hindi ko maiwasang mapansin ang mga umiba sa kanya. Bumalik na sa dating hulma ang katawan nya, and I'm happy because of that. He's back on being in his healthy lifestyle. Pero bukod doon, ang dami pang umiba sa kanya. Ang daming nagbago.

Tuwing napapansin nyang nakatitig ako sa kanya ay titingin sya ngunit hindi magtatagal. Kapag nagsasalita sya ay punong-puno ng awtoridad at kaseryosohan. Lagi nang seryoso ang ekspresyon sa mukha n'ya at ni minsan ay hindi ko s'ya nakitang ngumingiti sa kahit kanino, unlike before. He has this cold expression of him that I cannot take.

When I was talking, he wasn't paying attention. Syempre nasasaktan ako roon, hindi naman ako robot na walang nararamdaman. Hindi nya ako tinatapunan ng tingin kung hindi pa ako gagawa ng paraan para tignan nya ako kahit minsan.

It was like the tables have turned. Ako naman ang gumagawa ng paraan para magpapansin sa kanya which is I don't like. I don't understand myself either. I don't really know why I did those things just to get his attention. I shouldn't be doing that, right?

Napagod na ba sya? Sumuko na ba sya? Ayaw na ba nya?

Kung pusong bato lang ako ay magse-celebrate pa ako dahil tinantanan nya na ako pero iba ang nararamdaman ko. Ayaw kong tanggapin kahit iyon naman ang ginusto ko simula pa lamang. Thankful pa nga dapat ako dahil sa wakas ay napagod na sya at hindi na nya ako ginugulo dahil nabubwisit lang ako sa kanya... Pero hindi. Hindi ko pala kaya.

Ganito ba talaga kapag nagmahal ka? Kahit sobrang sakit na ay tinitiis pa rin? Sinaktan nya ako, eh! Tangina, binigo nya ako! Pero bakit kahit ganoon ay patuloy ko pa rin syang minamahal? Hindi ko alam kung nawala ba 'yon pero siguro nga hindi. Dahil kung nawala nga ang pagmamahal ko na iyon para sa kanya ay sana... sana hindi ko sya minamahal ngayon.

Pumasok ang bagong taon nang sya ang laman ng isipan ko.

Tuwing nagkakasalubong kami sa kumpanya ay umiiwas sya at parang ayaw malapit sa akin. Kapag nasa iisang elevator kami at sa iisang floor ang lalapagan namin ay bababa sya kasama ng ibang empleyado sa ibabang floor bago sa target floor n'ya. Parang ayaw nya akong makasama sa iisang lugar o hindi nya kinakayang makasama ako at gustong-gusto kong malaman ang dahilan.

Why is he suddenly like that?

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin at gusto kong malaman kung ano ang dahilan nya. Hindi dahil sa mga galaw nya ngayon... kundi sa nangyari years ago. I want to know what us the reason behind. I know Ethaniel so well. Hindi sya maniniwala basta-basta sa ibang tao hangga't hindi ko ito kinukumpirma o hindi nya tinatanong sa akin kung ano pa talaga ang nangyari. I know something was off because he suddenly jump into conclusions and never hear my side.

Was Lynette something to do with it? Of course! Sya nga ang nanira sa amin, eh! Pero pakiramdam ko ay may iba pa syang ginawa para hindi ako pakinggan ni Ethaniel. I'm pretty sure of that. Hindi ako tanga para maniwalang walang ginawa si Lynette para hindi ako paniwalaan ni Ethaniel. She did something and maybe... Maybe he threatened him? And that he chose to hurt me just to stop Lynette from doing harm.

It Was Too Late (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now