Chapter 42

1.2K 25 0
                                    

I really still love him despite all of what happened. At ngayong nalaman ko ang dahilan kung bakit nya nagawa 'yon ay mas lalo ko lang s'yang minahal. I really do thank him for everything. He did saved my mom from the demon. Utang ko sa kanya ang buhay ni Mommy.

Gustong-gusto ko s'yang puntahan at sabihin na mahal ko sya... Mahal na mahal at hindi iyon nawala. Pero ang sinabi nya ay ang pumipigil sa akin. Alam ko. Alam kong sobra na naming nasasaktan ang isa't isa at patuloy na sinasaktan.

But should I just let him go? Should I just give up? He said we better off without each other dahil nasasaktan lang namin ang isa't-isa... pero ang hindi nya alam ay mas sinasaktan lang namin ang isa't-isa kung maghihiwalay na naman kami.

"P-please... Huwag ka nang umalis... Let's fix this, E-Ethan..." Umiiyak na bulong ko habang umiiling sa kanya nang biglang may tumapik sa akin habang tinatawag ako.

"Selena, wake up... Sel..." Nagmulat ako ng mata at nakita ang nag-aalalang ekspresyon ni Trina na nakahawak na ngayon sa kamay ko. Wala sa sarili akong napaiyak dahil sa panaginip ko. Palagi nalang ganoon. Palagi nalang sya ang laman ng panaginip ko.

Bumitaw si Trina sa kamay ko nang maramdaman n'yang babawiin ko ang kamay ko sa kanya at nang ginawa nya ay kaagad kong naihilamos ang mga palad ko sa mukha at mahinang sinabunutan pa ang sarili dahil sa nagbabadyang luha ko. I just don't want to cry anymore. Alam kong ilang beses ko nang sinasabi ang bagay na iyon sa sarili ko but I couldn't stop my self.

"You share it to me, Sel... Huwag mong dalhin mag-isa 'yan. Nandito ako... Kami ng mga kaibigan mo. Open up, alright?" Hinaplos nya ang braso ko at wala sa sariling napatango nalang ako kahit wala talaga akong balak na magsabi sa kanila. Kahit naman kasi hindi ako magsabi ay alam na nila, eh. It's obvious that Ethaniel is one I am thinking of.

"I... I'll just take a bath." Umalis ako sa kama at parang lantang-gulay na naglakad patungo sa banyo at ini-lock iyon. Malalim na paghinga ang binitawan ko at napatitig sa salamin. Mugto ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kagabi bago ako matulog at pakiramdam ko ay ubos na ubos na ang enerhiya ko dahil sa kagabi.

"Ang sakit mo..." Bulong ko at iniwas ang tingin sa salamin nang maramdaman ko na ang pagtulo ng luha ko. I don't want to see my self crying. Awang-awa na ako sa sarili ko at ayaw ko nang dagdagan pa.

It still hurts. What happened was a long time ago; almost one year... pero andito pa rin yung sakit. I know this healing will take more time. I want to be healed fully. At siguro kapag nangyari 'yon ay hahanapin ko sya. I don't give up so easy. He cannot run away from me.

Sabi nila ay dapat hindi ko na raw dapat nararamdaman ang sakit dahil sobrang sanay na ng katawan ko roon, ang puso ko. Tama naman sila, dapat nga namanhid na ako dahil sa dami ng sakit na nararamdaman ko ngayon, but surprisingly, I wasn't. I can feel it... the pain, the longing, the sorrow. Siguro ganito talaga kapag mahal mo talaga ang isang tao, kahit ilang beses ka n'yang masaktan ay hinding-hindi ka mamanhid sa sakit.

Almost one year and I haven't heard from him again. Ni balita ay wala ako. Kahit manlang sana ma-wrong send sya ay wala. Deactivated ang mga socials n'ya kaya hindi nya rin makikita ang mga chats ko sa kanya. Sa mga kaibigan n'ya, especially Cleo, ay walang masabi sa akin dahil hindi n'ya rin alam kung na saan ang kaibigan nya.

I really miss him. Kahit anong sabihin nya ay hindi ko sya kakalimutan. Kahit na maghintay pa ako sa kanya hanggang sa araw ng kamatayan ko ay gagawin ko. If he thinks that I would give up on him that easy, he's wrong. Sa oras na malaman ko kung nasaan sya ay ako mismo ang susundo sa kanya. Hinding-hindi na sya makakatakas sa akin kapag nahanap ko s'ya.

But I know deep inside that I needed to pull myself together. I needed to fix myself, pick up the broken pieces of me and put it back together before I look for him. I need to be strong when the right time comes. I will show him that I'm fully healed and that I want to take him inside my life again... For the nth time, I guess?

It Was Too Late (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now