Chapter 09

1K 26 0
                                    

"Goodmorning, babe! Breakfast?" Iyan kaagad ang naging bungad nya nang pagbuksan ko sya ng pintuan dahil ang aga nyang kumatok. Hindi pa yata tumitilaok ang manok ay andito na sya. Laging ganito.

It was already a week since that day on the parking lot and starting that day, he always come early in the morning in my condo with a food with him. Kapag hindi naman sya nakapunta ng umaga ay sa gabi sya babawi at magdadala ng mga pagkain sa condo ko at pinagsasaluhan namin. At hanggang ngayon, wala pang paramdam si Tiffany.

"Why are you pouting? You want a kiss? Goodmorning kiss?" Nanlaki ang mga mata ko nang biglang ang lapit na nang mukha nya saakin. Hindi ko magawang itulak sya dahil hindi ko maramdaman ang kamay ko hanggang sa natawa sya at hinalikan ako sa noo.

"Hanggang dyan nalang muna. Yung sa labi, kapag sinagot mo na ako." Kumindat sya at dumeretso sa kusina para ihanda ang mga dala nya. Napangiti ako at pumasok nalang sa banyo para maghilamos.

"Ang aga mo masyado." Reklamo ko kunwari pero gusto ko din naman. Nginisian nya ako nang nag-angat sya ng tingin saakin habang naglalagay ng plato sa lamesa.

"Ako lang 'to," pagyayabang nya at nilapitan ako kaya bahagya akong napaatras sa gulat. Tumaas ang kilay nya at nagpatuloy sa paglapit saakin hanggang sa wala na akong maatrasan at tuluyan na nya akong nakulong. Sobrang lapit ng mukha nya saakin at wala namang bago sa puso ko. Kailan ba hindi tumibok ng malakas ito sa tuwing magkalapit kami? Hindi na yata kakalma ito.

"Why?" I'm thankful that I didn't stuttered but my heart is beating so fast. Ngumisi sya at mas lalong inilapit ang mukha at kulang nalang ay magtama ang mga labi namin dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"I haven't asked you this... and I want you to answer me... only the truth, understand, babe?" Hindi mapakali ang kamay kong kinukurot ang sarili para mabalik sa katinuan dahil mababaliw na yata ako dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"What is it?" I nervously asked. He smirked.

"Why did you allow me to court you? Do you like me, too?" I think my heart just bursted in nervousness. Ilang beses akong napakurap-kurap at napalunok dahil sa kaba. Mabibigat ang paghinga nya habang ako ay halos hindi na huminga dahil sa kaba.

"No..." I saw a glint of sadness in his eyes and that made me smile in secret.

"That's alright. I will make you fall for me. Hard." You don't have to. He was about to turn his back to me after nodding and saying that but I grabbed his hands and made him face me again before leaning close to his face and whispered.

"I'm in-love with you." I gave him a sweet smile before pushing his face away and walks toward the table to eat. Napangiti ako habang kumakain dahil sa itsura nya kanina. Gulat at hindi makapaniwala. Hindi nya ine-expect na ganoon ang sasabihin ko. Hindi ko din naman ine-expect na mahuhulog kaagad ako sakanya kahit na hindi pa kami ganoon magkakilala noon.

Tapos na akong kumain at lahat-lahat pero andoon parin sya sa pwesto nya at nakatulala sa pader kung saan nya kanina ako trinap. Natatawang naglakad ako papalapit sakanya at tinapik ang balikat nya para magising na sya sa malalim nyang iniisip pero hindi gumana kaya nilakasan ko na at doon, nagising na sya at biglang hinapit ako sa baywang at hinalikan sa noo.

I was stunned for a moment because of what he did. Hindi na ako makatawa ngayon dahil ang seryoso ng mukha nya at natatakot akong pagtawanan sya dahil bigla nya nalang akong halikan lalo na't ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"You mean that, hmm? Wala nang bawian..." He whispered as he rested his face on my shoulder. Matangkad sya kaya yumuko sya ng kaunti para masandal ang mukha nya sa balikat ko. Parang naaawa ako sakanya dahil nahihirapan sya. Bakit ba kasi ang tangkad nya? Pero nagi-guilty ako dahil ang pandak ko... edi sana hindi sya nahihirapan.

It Was Too Late (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now