Chapter 35

1.2K 44 7
                                    

I was so lost after what happened.



Nilunod ko ang sarili ko sa alak. And that made my friends worry.



"Isang bucket pa nga!" Sigaw ko sa napadaan na waiter. Ramdam na ramdam ko na ang kalasingan pero hindi pa rin ako tumitigil. Kahit na nakailang pigil na sila Tiffany sa akin ay hindi ako nakikinig.



I badly wants to forget the pain. To remove the pain here in my heart and in my whole life. And drinking is the only way to forget that I was in pain. Kahit isang gabi manlang. Pero mali yata ako dahil lasing na ako pero andito pa rin yung sakit, eh. Ayaw akong lubayan.



"Selena, huli na 'to, ha! Uuwi na tayo mamaya! Maawa ka naman sa atay mo!" Panenermon ni Camila. Natawa ako at tinignan sya at itinuro. Pinagtaasan nya ako ng kilay kaya ngumiti ako sa kanya.



"Anong ginagawa mo rito? Gabi na, ah! Umuwi ka na sa pamilya mo! Kaya ko na!" Natatawang sabi ko pero hindi manlang sya natawa. Ano ba 'yan, ako lang yata ang mababaw ang kaligayahan dito! Sunod ko namang tinignan si Tiffany na nakatingin lang sa akin at mukhang naaawa pa. "Stop giving me that look, girl! You shouldn't pity me! I'm okay! I'm happy, see?!" Ngumiti pa ako ng malawak.



"Ito na po, ma'am." Umangat ang tingin ko sa waiter na inilapag ang isang bucket ng beer sa harapan ko. Hindi ko alam na nakakalasing pala itong beer! Akala ko sa alak lang ako malalasing, amp!



"Salamat, kuys! Mamaya ulit-,"


Napalingon ako kaagad sa likuran ko at kumunot ang noo nang mapansin na parang may nanonood sa amin. O sa akin lang. Wala naman akong makitang kakaiba pero talagang ramdam kong may mga matang nakatingin sa akin! Baka lasing lang talaga ako. Fuck.


"Hoy, gaga! Anong mamaya ulit ka dyan?! Uuwi na tayo mamaya, aba!" Napanguso ako at umirap kay Camila at nagbukas ng beer. Inalok ko si Tiffany pero tumanggi sya at nag-iwas ng tingin at ganoon din si Camila.



"Hay nako! Kayong dalawa, umuwi na kayo at may uuwian pa kayong pamilya! Hayaan nyo na ako dahil wala naman na akong pamilya! Kaya sige na! Umuwi kana sa mag-aama mo, Cams, at ikaw naman Tiffs, umuwi ka na sa anak mo! Sige na! Kaya ko na 'to!" Nagkatinginan silang dalawa bago ibinalik ulit sa akin ang tingin.



"Ayaw ko nga! Hindi ka namin iiwan dito mag-isa! Paano kapag may nang-bastos sa'yo rito? Aba, hindi ako makakapayag na maulit..."



Napangisi ako nang hindi nya naituloy ang kanyang sasabihin. Siguro ay iniisip nyang sensitibo para sa akin ang usapin na 'yon. Totoo naman, ayaw kong pag-usapan ang nangyari dahil iyon ang naging dahilan kung bakit wala na kami... Hangga't maaari ay ayaw ko nang balikan ang nangyari. Kaso napapanaginipan ko palagi, eh. Walang takas.



"Hindi na 'yon mangyayari! Kaya ko na ang sarili ko, promises!" Natatawang sabi ko at itinaas pa ang kanang kamay ko. Halata talagang lasing na ako dahil sa mga pinagsasasabi. Anong promises? Gago.



"Hindi. Sama-sama tayong uuwi. Walang iiwan, walang iiwanan, walang iwanan." Napangisi ako nang magbukas rin ng beer si Camila at deretsong itinungga. Napailing nalang ako at hinayaan nalang silang samahan ako.



"Huwag mong sasabihin na maglalasing ka rin, Camila. Aba, tutulungan mo pa akong kakaladkad kay Selena, ha!" Natawa kaming dalawa ni Camila at nag-apir pa sa harapan ni Tiffany na naiinis na sa amin kaya tumigil na kami.



"'Nak ng! Umuwi na nga tayo! Naiinis na ako sa inyo, ha!" Nagtawag na si Tiffany ng waiter para sa bill namin at sya na rin ang nagbayad at kaagad akong nagreklamo pero hindi naman nya ako pinansin at hinatak na patayo.



It Was Too Late (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now