Chapter 16

1.5K 35 0
                                    

I was in my bad mood the whole time because of what I am seeing right now. He acts like we never knew each other. He acts normal like he never hurts me. He acts like nothing happened between of us.

Noong nakita nya ako rito sa apartment na tinutuluyan ni Tiffany ay nagulat sya pero kaagad nyang inalis ang tingin nya saakin na parang napapaso sya at dumeretso sa kaibigan ko. I know it's bad to get jealous especially to your friend but I cannot stop myself.

He is sweet and caring at her and acts like a good husband. Nakakainggit lang dahil gusto ko din na gawin nya saakin lahat ng ginagawa nya sa kaibigan ko. I cannot be mad to her because she's my bestfriend and I love her so much... But it hurts.

I found out that Lynette is his stepsister and not his girlfriend but I don't know why I'm feeling this way... Like she likes him... Not as a brother... She likes him romantically, or baka nag-a-assume nanaman ako. Whatever.

Hindi ko alam kung may karapatan ba akong magselos pero kahit naman siguro wala akong karapatan ay magseselos at magseselos parin ako, lalo na ngayon ay dahil hindi pa ako nakaka-move on sakanya or makaka-move on pa ba?

But I can sense something weird about Ethaniel. Hindi ko alam kung paano syang nandito at inaalagaan ang buntis kong kaibigan. Nakakapagtaka lang na alam nyang magkaibigan kami ni Tiffany pero parang wala lang sakanya na nasasaktan na ako habang nakikita ko silang parang mag-asawa.

Napapaisip tuloy ako. Mahal nya ba talaga ako o si Tiffany talaga ang gusto nya at ginawa nya lang akong daan? At doon sa mall... Ako nga ba ang sinusundan nya o ang kaibigan ko? Si Tiffany? Niloko nya lang ba ako sa mga araw na magkasama kami? Ginago nya ba ako? Tapos sasabihin nyang totoo yung pagmamahal nya sa'kin pero nandito sya ngayon at nagpapaka-asawa kay Tiffany?

"Selena!" Napatingin ako kay Tiffany pero nagsisi akong lumingon ako sakanya dahil nakita kong nakasandal sya sa dibdib ni Ethaniel at halatang kakatapos nya lang umiyak dahil wala kaming mahanap na mangga na walang buto dito. "Wala ka nanaman sa sarili mo, Sel. Gusto mo kain tayo sa labas?"

"Hindi na. Pagod lang ako. Magpapahinga muna ako." Walang ganang paalam ko at nilagpasan silang dalawa para pumunta sa kwartong tinutuluyan ko. Pabagsak akong humiga sa kama kasabay ng pagbagsak ng luha ko kaya ibinaon ko ang mukha ko roon sa unan para hindi marinig ang hikbi ko roon sa labas.

I can't believe him! I can't believe destiny playing with us! Kung paglalaruan naman sana kami ay hindi yung ganito kasakit. Tangina, ang sakit makitang sa kaibigan ko pa! Kaibigan ko 'yon, eh. Mahal ko 'yon. Mahal ko din sya. Mahal ko silang dalawa. Pero hindi ko matanggap na sa dinami-dami ng babae, bakit yung kaibigan ko pa ang natipuhan nya?

Akala ko hindi ko na sya makikita at akala ko ay aayos ang buhay ko kapag hindi ko sya nakita pero hindi. Gustong-gusto ko syang makita. Gustong-gusto kong makipagbalikan sakanya. Tatanggapin ko sya ulit dahil mahal ko sya kahit na nasaktan nya ako. Tatanggapin ko sya kahit walang eksplanasyon kung bakit nya ako iniwan noon.

Pero tangina talaga kasi, e. Yung kagustuhan kong makita sya ulit ay nagbago bigla dahil sa nangyayari ngayon. Ayaw ko na syang makita kung ganito lang naman. Gusto kong umalis na pero paano ang kaibigan ko? Ayaw ko syang iwan dito at baka gaguhin sya nitong lalaking 'yon. Hindi ko pa sya lubusang kilala at mas lalo na si Tiffany kaya hindi ko sya ipagkakatiwala sa lalaking 'yon.

I don't trust him. I will never.

Titiisin ko nalang ang makita ang pagmumukha nyang gago at sa oras na manganak ang kaibigan ko ay kukumbinsihin ko syang bumalik na kami sa Pilipinas. Ayaw ko magstay kasama ang lalaking 'yon sa iisang lugar.

It Was Too Late (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now