Chapter 27

1K 25 0
                                    

Hindi pa halos maproseso ng maayos sa utak ko ang mga nangyari. Like, what just happened?


I raised my hand where my engagement ring is. Hindi ko maiwasang hindi kiligin at mapatili sa tuwing naaalala ko ang ganap kahapon. Halos hindi na rin ako nakatulog kagabi dahil sa kilig at excitement.


Inspired na inspired tuloy ako ngayong araw at buong apartment ni Tiffany ay nilinis ko habang wala silang mag-ina. Si Ethaniel naman ay pupuntahan ako mamaya at hindi na ako makapaghintay na makita ang fiancé ko!


Fiancé ko! Shit!


Hindi ko nalang boyfriend ang unggoy na 'yon! Fiancé ko na sya! Fiancé! Can you believe it? Parang noon lang ay napaka-imposibleng isipin na magiging kami ng unggoy na 'yon, pero tignan mo naman ngayon.


He's mine. Only mine.



Pakanta-kanta pa ako habang nag ma-mop ng sahig nang may biglang yumakap sa akin at napatili ako ng malakas. Kaagad kong hinampas si Ethaniel na tinatawanan na ako dahil sa ginawa nyang panggugulat sa akin.


"Wow, my wife is cleaning! Should I be proud?" Nakangising tanong nya sa akin. Napasimangot ako at pinitik ang kanyang noo nang humarap ako sa kanya.


"Anong 'wife' ka d'yan? FYI, hindi pa tayo kasal, and yes! You should be proud because your soon to be wife do know how to clean! Ngayon alam mo nang hindi na natin kailangan ng maid once we get married," I encircled my arms around his neck.


"Really, huh? Do you think I will let you clean our whole house? Because, baby, I'm going to build a mansion for my queen,"


He even looked so proud on what he said. Tumaas ang kilay ko. "I don't want a mansion! Sinong patitirahin mo roon kasama natin? Buong baryo?" Sarkastikong tanong ko pero tumawa lang sya. "I just want a two-storey house... A house that is just enough for our future family, babe..."


"But I want to give my queen a mansion... Or even a castle." He sighed. Napanguso ako dahil parang ayaw nyang um-agree sa sinabi ko. "But if that's what you want, then we'll build a house that is enough for us and to our five kids."


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan dahil sa sinabi nya. Naghalo kasi, eh. Natuwa akong pumayag sya, at the same time ay kinakabahan sa sinabi nyang limang anak! What the fudge? Lima? Lima talaga? Ang hirap kayang magbuntis!


When he saw my reaction, he bursted out laughing. Napangiwi nalang ako at itinulak ang mukha nya palayo sa akin at inirapan. "Mag-anak ka ng lima mag-isa mo! Buti sana kung ang daling magbuntis! You don't know what us, women, feels when we get pregnant! It's damn fucking hard, dude!" Himutok ko pero tumawa lang sya.


"Ayaw mo 'yon? Babe, don't you believe to what others saying that 'the more, the merrier'?" Halatang pinagtitripan nya lang ako kaya lumayo na ako sa kanya dahil napipikon na ako at baka ihampas ko na mamaya sa kanya ang mop na ginagamit ko.


"Babe, joke lang naman, eh! It's on you if how many children you want in the future. I respect my wife's decision, anyway." He hugged me from the back and keep on sniffing my neck. Nakikiliti ako sa ginagawa nya pero pinanatili ko ang naiinis na ekspresyon sa mukha ko kahit na kinikilig na ako.


"Tse! Akala mo nakakatuwa! Bahala ka magbuntis ng lima!" Tumawa lang sya dahil alam nyang mapapalambot nya kaagad ako at nagawa nya nga! In just a snap, I'm already hugging him but I'm pouting my lips. Ang rupok ko, grabe!


"I was just joking, babe," he said and kissed the top of my head. Tumingala ako sa kanya at tumalim ang tingin na ikinagulat nya. "What?"


"Pero seryoso, ha! Ilan ba talaga gusto mo? Yung seryoso, Ethaniel Blakeson!" Kunwari'y galit na sabi ko sa kanya.


It Was Too Late (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now