Chapter 15

1.4K 33 1
                                    

I distracted myself from work. Kahit mahirap ay talagang kinaya kong huwag mag-break down habang nagtatrabaho dahil gusto ko nang mag-move on sa sakit. Nakakapagod umiyak gabi-gabi dahil lang sa isang lalaki. Pero hindi lang naman kasi sya 'isang lalaki', mahal ko sya. Sobra... Kaya mahirap ang alisin ang sakit sa puso ko.

Napahilot ako sa sentido ko at sakto namang pumasok ang pinsan ko sa loob ng opisina. I'm not actually the CEO of this company. Sa pinsan ko talaga ito pero nagtatrabaho ako dito para may pambuhay ako sa sarili ko. Nag-iipon din kasi ako dahil gusto kong magpatayo ng sarili kong business.

"Are you going tonight?" He asked as he say down infront of me. Napabuntong hininga ako at tamad syang tinapunan ng tingin. Ngumisi sya saakin at napailing nalang. "Bahala ka. Magagalit si Mommy." Pananakot pa nya.

"Tita will understand, Tobe." Sabi ko sakanya. Ayaw kong pumunta dahil makikita ko doon si Daddy. His Mom is my Dad's sister. And worse, baka makita ko ang new family ng tatay ko which is I don't want to. Ayokong makitang masaya ang tatay ko kasama ng bago nyang pamilya dahil ni minsan sa buong buhay ko ay hindi ako naging masaya kasama nila dahil wala naman silang pakialam saakin.

"Tapos? Hahanapin ka ni Tito saamin? Anong isasagot-,"

"Tell him I'm dead." Malamig na sabi ko sakanya at natawa naman sya. Bumalik ako sa ginagawa ko pero hindi parin sya umaalis.

"Are you still mad at him?" Natigil ako sa pagkalikot sa mga papel at sarkastikong natawa bago nag-angat ng tingin sakanya.

"Hobby ko ang pagtatanim ng sama ng loob, Tobe. Kung ikaw ang nasa posisyon ko ngayon ay maiintindihan mo ako. At bakit naman nya ako hahanapin? Hindi nya naman ako itinuring na anak. Ang kapal nya masyado kung tatanungin nya pa-,"

"Last family dinner, he asked about you. About your life. What are you doing? Are you doing well? Kasal ka na raw ba? May pamilya-,"

"Shut the fuck up and leave, Tobe. Naalimpungatan ako sa'yo." Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya dahil naiinis lang ako. How dare him ask that? Pamilya? Sila nga ang rason kaya takot akong bumuo ng sarili kong pamilya, tapos tatanungin nya 'yon? Wow! The audacity!

"Hey! I'm still your boss!" Kunwari ay galit sya pero nakangisi naman sya saakin. Inirapan ko lang sya at sinenyasan na lumabas na dahil baka maihampas ko lang sakanya itong makakapal na papel dito sa table ko.

"Call me if you change your mind." Aniya bago lumabas. Hindi ko sya sinagot dahil hindi naman na magbabago ang desisyon ko. Final na 'yon at ayaw kong makita ang 'tatay' ko na hindi naman akong itinuring na anak.

Kung bakit pa kasi ako nabuhay.

Tinapos ko lang ang trabaho ko roon bago nag-out at nagpunta sa grocery para bumili ng stocks. Naubusan na ako at wala na akong makain, hindi nga ako nakapag-breakfast kanina dahil ubos ang stocks ko, eh. Kakain nalang mamaya ako sa Jollibee o kung saan pa man 'yan.

Matapos kong mag-grocery ay nagpunta na ako sa Jollibee para kumain. Kahit naman matanda na ako ay dito parin ako kumakain. This is my childhood favorite place to eat, and that red bee is my childhood friend. Nag-order muna ako bago naghanap ng table ko. Sila nalang ang magdadala no'n sa table ko.

"Oh, sorry po!" Ngumiti ako doon sa batang nakabanggan ko. Ang tantiya ko ay nasa limang taon palang sya. Ang cute at ang ganda nya.

Lumuhod ako sa tapat nya at nginitian sya. "Hi! What's your name?" Nakangiting tanong ko sakanya. Malawak syang ngumiti saakin at ipinakilala ang sarili.

"My name is Gabriela Chanel Davis. I'm 5 years old po, ang you can just call me Gabby or Chanel because my name is too long po," napangiti ako at pinisil ang kanyang pisngi dahil sa ka-cute'an nya. I suddenly wanted to have a daughter na tuloy! "You po, what's your name po?"

It Was Too Late (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now