Chapter 19

1.5K 27 1
                                    

Mababaliw na ako.

Mababaliw na talaga ako dahil sa mga pinagsasasabi nya. Noong una, sinabi nyang 'should we get a child' daw. Noong pangalawa, nagseselos daw sya! Tapos kahapon, husband? Ano ba talaga? Hindi ako naniniwalang mahal nya ako. Tangina nung lalaking 'yon, ginagago ako at ang nararamdaman ko. Tapos hindi naman ako pumayag na manligaw pero itinuloy parin!

"Goodmorning..." His husky voice greeted me. Maaga akong nagising at ang aga nya rin dito. Hindi pa tumitilaok ang manok ay andito na sya.

Umirap ako sakanya at nilagpasan lang sya pero kaagad syang bumuntot saakin papunta sa kusina. "Hey, where's my goodmorning?"

Tumaas ang kilay ko ngunit nanatili akong nakatalikod sakanya at hindi sumagot. Kapag ba binati ako ng goodmorning ay required na sumagot ako? E sa ayaw ko nga syang kibuin ang. Ang kapal.

"I cooked breakfast but It's already cold. We can heat it again," aniya at naramdaman ko nalang sya sa likod ko dahil naamoy ko ang mabango nyang hininga. May inabot sya sa harapan ko at hindi ko nagawang tumabi dahil parang nakapako na ako sa pwesto ko.

Ininit nya 'yong pagkain habang ako ay nakatulala parin hanggang ngayon sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw kahit na gustong gusto ko nang umalis dahil naiilang ako sakanya. Panay ang pagsulyap nya saakin habang nag-iinit ng pagkain at may tipid pang ngiti sa labi!

"I don't want to eat." Matigas na sabi ko sakanya nang matapos syang mag-init. Akmang aalis na ako nang bigla nya akong hatakin pabalik at pinaharap sakanya. Halos hindi na ako huminga dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Why are you so distance?" He asked huskily. Napalunok ako at tumalim ang tingin sakanya.

"Really? You're asking me that? Iuntog ko kaya ang ulo mo sa pader at nang makaalala ka? Nagka-amnesia ka yata bigla, Blakeson?" Sarkastiko at mariin kong sabi sakanya. Sumeryoso ang kanyang mukha at bumuntong hininga.

"Please... Ethaniel.... Call me that, babe..." Napailing nalang ako sakanya at malakas syang itinulak para makalayo sakanya. Nagawa ko naman pero nagsalita nalang sya bigla na nagpatigil saakin.

"Y-you should eat... A-aalis muna ako..." Aniya at nilagpasan na ako. Bumigat ang paghinga ko at nagsimula nanamang mamasa ang gilid ng mga mata ko at bago pa tumulo ay napunasan ko na ang mga 'yon.

Hindi ako kumain. Hindi ko alam kung malulunok ko pa ba ang pagkaing niluto nya. Baka isuka ko lang dahil sa galit ko sakanya. Hindi ko matanggap na sa lahat ng mga nagawa nya ay ang kapal ng mukha nyang biglang sasabihin nalang na manliligaw sya na parang hindi nya ako ginago.

Gutom na gutom na ako pero ayaw kong kainin ang niluto nya. Ayaw kong magpatalo. Ayaw ko. Hindi ko 'yon kakainin! Hindi ako marupok!

Tangina.

"Hoy, hindi ka manlang nag-aya!" Napapikit ako habang kumakain... Kumakain ng niluto ni Ethaniel. Gusto kong ipukpok ang plato sa ulo ko. Sabing hindi ko kakainin, eh! Hindi ako marupok! Pero gutom ako, duh!

Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko napansin na gising na pala sya dahil sa pagkakalutang ko habang kumakain. Nang matapos ako ay inis akong pumasok sa kwarto ko at nagkulong doon. Magpaalam lang si Tiffany na lalabas sya saglit at ibinilin saakin si Clifford na nasa kabilang kwarto lang na natutulog.

Lumabas ako sa kwarto ay sinilip ang baby sa kabilang kwarto at nakitang mahimbing itong natutulog sa crib nya kaya lumabas na ulit ako at tumambay nalang sa living room at nanood. Hindi naman siguro pupunta 'yon rito dahil malamang ay sinamahan nya si Tiffany.

"Goodmorning..." Ang malalim na boses ni Cleo ang narinig ko nang bumukas ang pintuan. Bahagya ko lang syang tinanguan at bumalik ulit ang paningin sa tv at hinayaan syang pumasok roon sa kwarto nila Tiffany. Paniguradong nakabantay nanaman sya kanina pa at nakita ang pag-alis ni Tiffany.

It Was Too Late (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now