Chapter 20

2K 26 10
                                    

Three years had past, gago parin si Ethaniel.

Talagang tinotoo ng gago ang sinasabi nyang panliligaw saakin. Ilang beses ko na syang binusted pero talagang hindi sya tumigil at nawalan ng pag-asa. Ilang beses na kaming nagka-iyakan pero talagang hindi sya sumusuko. Mas lalo lang syang tumatatag.

Hawak-hawak ko ang kamay ni Clifford habang naglalakad kami papunta sa park. Wala si Tiffany dahil may trabaho sya at siguradong mamayang gabi pa ang uwi no'n. Wala rin yung parang asong sunod ng sunod saakin dahil nasa Pilipinas... May trabaho yata, ewan ko. Pero minsan talaga ay parang multo 'yon na sumusulpot nalang bigla.

I received a text from Cleo saying that he's on his way here. Dumating na sya at kaagad naman na nagtatakbo ang anak nila sakanya at sinalubong nya ito ng may ngiti sa labi.

Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa at hindi maiwasang mapangiti. Kung siguro ay si Tiffany lang ang nasa pwesto ko ngayon at ito ang nakikita nya ay siguradong magiging masaya sya. I know this is her dream.

Hindi ko rin maiwasang mapaisip. Paano kung ako rin ang may anak? Paano kung kami rin ni Ethaniel? Siguro punit ang labi ko kakangiti kapag ganito ang makikita ko. I don't care about my past now. All I want is to have a child with the man I love.

Pero di ako marupok, duh.

Napaiwas ako ng tingin sa kanilang mag-ama nang makatanggap ng text kay Tiffany na tinatanong kung kamusta si Clifford. Ganito lagi ang ginagawa nya, oras-oras nyang kinakamusta ang anak nya tuwing wala sya para magtrabaho.

Me: nag-eenjoy sya, don't worry

Tiffs: kiss and hug him for me, thank you!

Napangiti ako sa reply nya at bumalik ang tingin sa mag-ama nya na nagtatawanan doon. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at pumunta sa pwesto nila. Nag-angat ng tingin saakin si Cleo nang mapansin ang presensya ko at nakangiti sya ngayon. Hindi ako sanay na ngumingiti 'to. Tuwing kasama nya lang ang anak nya. Ang seryoso sa buhay, kala mo kung walang ginago.

"What a nice family!" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at sabay pa kaming napatingin ni Cleo doon sa babaeng nagsabi no'n. Akmang tatanggi na ako nang naunahan ako ni Cleo at nakangisi pa sya na parang may tinitingnan sa likod ko.

"Thanks." Laglag ang panga ko sa sinabi ng hayop, nanatiling nakangisi at nakatingin sa likod ko. Kinilig naman yung babae bago umalis.

"Hoy! Gago ka ba?!" Himutok ko pero hindi sya nakatingin saakin, nasa likod ko ang tinitingnan nya kaya sa kuryosidad ay napatingin ako doon at parang nalaglag ang puso ko sa nakita ko.

Parang nasusunog ako sa klase ng tingin nya. Nagpupuyos sa galit ang kanyang mga mata at mahigpit na nakakuyom ang kamao nya, mariin ang titig sa aming dalawa ni Cleo pero mas dumiin ang titig nya nang nag-focus ito saakin.

Nakatulala lang ako sakanya at natatakot na malaman na baka nakita at narinig nya yung nangyari. Natatakot akong magalit sya. Natatakot ako sa iisipin nya. Baka... Teka nga, bakit ba ako nag-aalala? Bakit ako natatakot? Pake ko sakanya?!

"Looks like he wants to kill me right now." Natatawang sabi ni Cleo na nakatayo na sa harapan ko. Bumigat ang paghinga ko dahil sa galit sakanya at gusto ko syang sapakin ngayon. "And you're about to punch me, right?"

"Fuck you." Inirapan ko sya at humarap kay Ethaniel at nakitang naglalakad na sya ngayon papalapit saamin. Nakakuyom parin ang kanyang kamao at parang handa nang manapak. Pinagtaasan ko sya ng kilay at nang magtama ang mga mata namin ay sinamaan nya ako ng tingin.

It Was Too Late (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now