Chapter 29

991 23 0
                                    

Things are going well as time goes by.

Alam kong unti-unti nang napapatawad ni Tiffany si Cleo dahil hindi naman sy papayag na sumama kay Cleo at payagan na makita ni Cleo ang anak nila kung galit pa sya.

Medyo nagkaka-ayos na rin kaming dalawa. Unti-unti na nya akong kinakausap at siguro ay napapatawad. I know Ethaniel is behind this. Alam kong kinausap nya si Tiffany at sinabing wala akong kinalaman pero kahit anong sabihin ni Ethaniel ay may kasalanan din ako doon. Damay ako roon. Kahit pa sabihin nyang pinilit nila akong tumahimik ay hindi pa rin sapat na dahilan 'yon.

"Shall we plan for the wedding na?!" Excited na tanong ng Mommy ni Ethaniel na Mommy ko na rin. Shet! Mommy ko na rin!

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ethaniel at nahihiya akong ngumiti. He held my hand on my lap and gently squeeze it. Natawa sya sa turan ng kanyang ina.

"Ma, it's too early for that," natatawang aniya. Sumama ang tingin nya sa kanyang anak at tumingin kay Tito Harry na parang humihingi ng tulong na makumbinsi si Ethaniel.

"Ah, hindi naman po kailangang madaliin... Marami pa naman pong oras—,"

"But I want to plan it right now! Para kapag malapit na ang kasal ay maayos na ang lahat at wala na tayong problemahin pa!" Nagkatinginan kaming dalawa ni Ethaniel at napailing nalang sya sa sinabi ng Mama nya. "Ano, Ethan?"

He sighed and look at me. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Whatever my fiancé wants, Mom. I respect her decision."

Hindi na kami kinulit ni Mom about sa kasal. Actually, wala pa naman talaga akong plano para doon. Marami pang oras para roon at gusto ko munang sulitin ang mga panahon namin ni Ethaniel na walang iniisip tungkol sa kasal. Matagal pa naman ang kasal at marami pa kaming oras para roon.

"Are we going to stay here?" Tanong ko sa kanya habang nakayakap sya sa likod ko at nakatanaw kaming dalawa sa malawak nilang lupain. Nasa veranda kami ng kanyang kwarto at kasabay no'n ay ang panonood namin sa paglubog ng araw.

"Do you want to?" Bulong nya. Nagsitaasan ang mga balahibo sa leeg ko dahil sa ginawa nya. Napalunok ako at napatango nalang. "Then, we will." Parang nahihirapan siyang huminga. Kumunot ang noo ko at hinarap sya.

Namumungay ang kanyang mga mata nang harapin ko sya. Nagtataka ko syang tinitigan at tinaasan ng kilay. "Are you okay? May masakit ba sa'yo?" Hinawakan ko ang kanyang mukha at pinakatitigan.

Naks, gwapo!

Hindi sya sumagot pero hinatak nya ako palapit sa kanya at ibinaon ang kanyang mukha sa leeg ko. Napataas ang kilay ko pero hinayaan ko nalang syang gawin ang gusto nya.

"Hey, are you okay? May hika ka ba na hindi ko alam?" Kunot-noong tanong ko. Bahagya lang syang umiling at tumahimik. Natahimik nalang din ako at hinalikan sya sa tuktok ng kanyang ulo.

"Fuck..." Puno ng pagtataka ko s'yang tinignan nang lumayo sya sa akin. Panay ang paglunok nya at pinagpapawisan sya kahit hindi naman ganoon kainit. Wala naman nang araw at malakas ang simoy ng hangin kaya bakit sya pinagpapawisan na parang nakipag-karera sya?

"Are you sick or something? Let's go inside—,"

"Why you have to be this fucking hot?" Lalo akong nagtaka sa sinabi nya at nginiwian sya. Napailing nalang sya at hinatak ako pabalik at sinalubong ng mainit na halik. Hindi ako makapaniwala noong una pero nang maintindihan ko ang nangyayari ay ginantihan ko ang kanyang halik.

His kisses went down to my collar bone and I gasped when he suddenly bit and sucked it. Napangisi ako at hinawakan ang baba nya at itinaas ang kanyang mukha para mahalikan muli but he stopped me. Tumaas ang kilay ko.

It Was Too Late (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now