Chapter 13

1.1K 32 0
                                    

"Let's drink!" Napatigil sya sa pakikipaglandian kay Vander sa tabi nya nang marinig ang sinabi ko. Her brows furrowed when she faced me so I look at her innocently.

"Ang aga, Sel. Hindi na ba makakapaghintay 'yang lalamunan mo?" Aniya at sumandal sa dibdib ni Vander. Napaiwas ako ng tingin sakanila dahil sa ka-bitteran ko. Naiinis ako, naglalandian ba naman sa harap ko? Hindi ba sila aware na naiinis ako sa mga naglalandian sa harapan ko?

"You're always drinking since Blake left. Magkakasakit ka nyan, Sel. Give it a break, will you?" Hindi ko sinagot ni Vander at napasandal nalang sa upuan.

"Bakit ka ba nandito? Papansin ka talaga. Bonding dapat namin 'tong dalawa pero naging third wheel ako sainyo? Hah!" Inis na sabi ko.

Kanina ay kaming dalawa lang naman ni Cams ang nandito dahil galing kami sa mall para mag-shopping tapos biglang dadating 'tong papansin na 'to para istorbohin ang bonding naming magkaibigan?

"I miss my girl, why?" Maangas na tanong nya pero inirapan ko lang sya at saktong dumating na ang order namin kaya doon nalang ako nag-focus kesa mainis sa kanilang dalawa na naglalandian sa harapan ko.

Iniwan ko na silang dalawa doon pagkatapos kong kumain dahil naaalibadbaran ako sa kanilang dalawa at umuwi nalang sa condo. Padabog akong naupo sa sofa at mabigat na napabuntong hininga.

I closed my eyes as I look up when I felt my tears slowly coming out my eyes. Napalunok ako habang pilit na pinipigilan ang pagtulo ng luha ko pero hindi ako nagtagumpay. I silently cried while my hand is on my chest because my breathing becomes heavy.

It hurts. My heart hurts so much. It always hurting... Every seconds. Every minutes. Every hours... Every fucking day. Araw-araw nalang ba akong iiyak dahil sa isang lalaki? Araw-araw nalang ba akong nagluluksa sa taong nanakit saakin? Araw-araw nalang ba na ganito? Gusto ko nang magbago. Napapagod na ako sa ganito.

I wanted so much to move on. I wanted so much to move forward. From all the moments we shared together. From all the pain he caused me. From all of everything. Even about him. But I know I need to take the consequences. It's my choice to let him in my life. It's my choice to get involved with him. There is no point on blaming him because I'm also at fault. Nagpa-uto ako. Nagpaloko ako. Kaya ang ending, nasasaktan ako ngayon.

"Fuck." Pagmumura ko at napasabunot nalang sa sarili. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko at wala akong planong punasan ito dahil mapapagod lang ako, siguradong hindi titigil ang pagtulo ng mga ito.

I buried my face into the pillow as I shout in pain. I keep on doing that for a month now. Ayaw kong sumigaw nang may ibang nakakarinig kaya palagi kong ibinabaon ang mukha ko sa unan at doon ibinubunton ang sakit at galit ko.

Galit ako sakanya at sa sarili ko. Galit ako dahil niloko nya ako at nagpaloko naman ako. I love him so much. Oo, natatakot ako sa tuwing tinatanong nya ako tungkol sa kasal at ayaw ko syang masaktan kapag sinagot ko syang wala akong planong magpakasal. Maiintindihan ko naman sana kung iiwan nya ako dahil sa ayaw kong magpakasal pero wala naman akong sinagot sakanya doon sa tanong nyang 'yon. Basta nalang nya akong iniwan.

Akala ko sya na ang kaisa-isang tao na hindi ako iiwan perp nagkamali ako. Umasa ako masyado kaya nasasaktan ako ngayon. Alam ko namang aalis din sya pero hindi ko inaasahan na sobrang bilis nyang umalis... Sobrang bilis nyang iwan ako.

Sabi nya... Sabi nya hindi sya aalis... Sabi nya hindi nya ako iiwan. Tangina, naniwala ako doon, eh! Naniwala akong hindi nya talaga ako iiwan. Napaniwala nya ako! Sobra ko syang mahal. Tangina, sana pala... Sana pala hindi ko nalang sya nakilala. Sana pala hindi ko nalang sya minahal. Ang sakit nyang mahalin...

It Was Too Late (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now