Chapter 24

1.1K 26 0
                                    

Lynette's words got stuck in my mind.


Hindi ko ikinuwento kay Ethaniel ang nangyayaring pag-uusap namin ni Lynette dahil alam kong magagalit lang sya sa kanya. Besides, I can deal with her alone. Kung ang akala nya ay maniniwala ako sa mga sinabi nya at natakot, pwes hindi.


Kahit kalabanin ko pa ang tatay ni Ethaniel, gagawin ko.


Kahit pa ang buong mundo ang makalaban ko, gagawin ko.


Ipaglalaban ko sya sa kahit na sino man.


Hinding-hindi na kami maghihiwalay nitong lalaking ito.


"Do you want to eat outside or I'll just cook?" Tanong nya na nagpabalik saakin sa sarili. Nasa tapat sya ng lababo at naghuhugas ng mga plato dahil ang tagal nang naka-stock dito sa condo.


Napangiti ako at naglakad papalapit sa kanya at niyakap sya mula sa likuran. Naramdaman kong natigilan sya kaya natawa ako. "Luto nalang tayo. Let's buy groceries later,"


Natawa ako nang nanatili syang hindi makagalaw. Lumayo ako sakanya at doon ay mabilis syang humarap sa akin at nakasimangot pa. "Why did you do that!" Reklamo nya. Tumaas ang kilay ko.



"Ayaw mo?" Nang-aasar kong tanong at lumapit sa kanya. Niyakap ko sya sa baywang nya habang nakikipagtitigan parin sakanya.



"It's not like that! Aatakihin ako sa'yo, fuck!" Natawa ako at inabot ang kanyang labi. I smiled between our kisses until I was the one who broke it.


"Sus, kinilig ka lang, eh!" Pang-aasar ko sa kanya at namula ang kanyang mukha. Mabilis nyang itinago 'yon sa pamamagitan ng pag-baon nya ng kanyang mukha sa aking leeg.


"Stop that. Baka kapag ako ang nagpakilig sa'yo, maihi ka," aniya. Natawa ako ng malakas at niyakap sya. I held his hands and intertwined it with mine. Napatingin sya sa mga kamay namin bago lumipat sa akin ang tingin at ngumiti.


"Where's your ring?" He asked. Kumunot ang noo ko at pilit na inisip kung anong ring ang tinutukoy nya hanggang sa maalala ko ang tungkol doon. Matagal ko nang hindi nasusuot 'yon at hindi ko na rin alam kung saan ko inilagay. Ang mahal pa naman.


"I don't know. Why?"


"Nothing. Don't wear it again. Hindi bagay." Inirapan ko sya. "I'm serious. The only ring you can wear will be our engagement ring."


At tama sya. Parang naiihi na ako sa kilig. Hanggang sa makarating kami sa grocery store ay hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa labi ko at halos dumugo na ang labi ko dahil sa kaka-kagat ko.


Mabuti nalang at nasa likod ko lang sya dahilan para hindi nya makita ang mukha kong siguradong namumula pa rin hanggang ngayon. He is the one who is pushing the cart, habang ako naman ay ang pumipili ng mga bibilhin namin.


Akala ko ang nakasunod pa rin sya sa akin pero nang lingunin ko ang likuran ko para sana ilagay ang nakuha kong kailangan namin sa cart nang makita kong wala sya roon.


Napakunot ang noo ko at luminga-linga para hanapin sya pero hindi ko sya makita kaya naglakad ako pabalik sa una naming pinuntahan kanina at roon ay nakita ko syang nakatayo sa tapat ng bilihan ng mga gatas.


"What are you doing here?" Tanong ko at mabilis syang tumingin sa akin at itinuro iyong Moo na malaki. "Gusto mo? Bilhin na natin kung gusto mo,"


"Is that delicious? How does it taste? Fuck, nakikita ko ito sa commercial and it was like it's just for kids," natawa ako at kinuha nalang 'yon at kumuha na rin ng gatas. "This one, too, baby..." Inilagay nya yung Hershey's flavor na gatas sa cart.


It Was Too Late (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now