Chapter 14

2.4K 83 0
                                    

Chapter 14:

Boyish Reincarnated As Princess

Someone's POV

"My lord, hindi po naging madali ang pagpatay sa prinsesa, maayos na ang kalagayan niya at nandoon ang mga lalaking umiibig sakaniya. Napatay rin ang mga pinadala kong tauhan." saad tauhan ko, kung hindi pa mapapatay ang babaeng iyon ay masisira ang mga plano ko!

"Mga hangal! puntahan niyo sila at patayin, wala akong pake-alam kung anong plano o paraan ang gawin niyo basta kailangan ko siyang mawala!" sigaw ko sa mga ito.

Malalaman nila ang sakit na idinulot nila saakin papatayin ko sila sa anak nila, ako maghihiganti mga walang hiya ako lang dapat ako lng ako!!

Shan's POV

Nagiisip ako kung sino ang pwedeng gumawa noon pero wala talaga akong alam. Sa loob ng 2 taong na umalis ako, namatay ang ina ni Ashania at ang Ama naman nito hindi parin nag sasalita.

Nasaksihan niya ang masalimuot na pangyayari kay Ina, pero wala akong nagawa, hindi ko alam pero kung may nakasahamuha sila na hindi ko alam maaari akong magimbestiga pero wala sa mga alaala nila.

"Shan, wag kang magalala, ayos lang ang lahat." mahinang saad ni ann, paanong naging ayos kung nakasalalay ang buhay namin?

"Oo nga" pagsangayon naman ni emerald walang maitutlong ang pagpapaangat ng sarili.

"Wag kayong magalala, nagiisip lang ako kung sino ang pwedeng gumawa noon.." mahinahaong saad ko, Sa palagay ko ay natatakot sila.

"Maniwala nalang tayo.." saad pa ni amethyst.

"Sige na, matulog na kayo, at wag niyo nang isipin pa ang nangyayari, ako na ang bahala. Mayroon naring barrier ang buong lugar na ito kaya hindi na dapat kauo magalala." saad ko pa sakanila.

Umakyat na sila at natulog samantalang ako ay nagiisip parin kung sino ang gumawa noon, sa kakaisip ko ay hindi ko alam na nakatulog pala ako.



Primus's POV

Nandito ako sa kwarto ko sa bahay ni Ashania, nagiisip-isip ako kung sino ba ang pwedeng gumawa noon.

Wala naman kase akong kilala na pwedeng gumawa noon maliban sa sumakop sa mga kaharian namin pero patay na sila. Wala akong maisip kaya bumaba ako para magpahangin, pero nakita ko si ashania na nakahiga sa sala.

Pumunta ako sa pwesto niya at tinitigan siya, napaka-amo pala talaga ng mukha niya, ngayon ko lang napansin sa loob ng ilang taon.

Dati nagkagusto ako sakaniya, Oo aaminin ko, pero simula noong naging masama ang ugali niya naglalagay ng makapal na make-up ay biglang nagbago, o sadyang nabaling lng ang atensyon ko sa iba? hindi ko rin alam.

"Sana ay hindi nalang nagbago ang tingin ko saiyo, kung gayon sana ang nangyari ay ngumingiti ka sana saakin ngayon.." mahinang bulong ko habang nakatingin parin sa mukha niya.

"Maganda para sainyo, pero hindi ko inakalang may ganito ka palang katangian pag dating kay ashania." nagulat nalng ako kay Ash na nasa likod ko lang.

"Sadyang mapaglaro ang tadhana, pero magiging ayos rin ang lahat pagdating ng tamang panahon." dagdag pa nito.

"Ako na ang bahala sakaniya, bumalik kana sa silid mo." huling saad nito bago binuhat si nia at nagteleport.



Someone's POV

"Kailan ba siya magigising, doc?" takhang tanong ko pero ine-examine pa ang katawan nya.

"Well hindi ko pa masasabi pero dahil sa nangyari sakaniya ay matatagalan ang paggising ng pasyente, magantay nalang tayo ng mga magyayari pa sa katawan niya." mahinahong saad nito, at saka umalis kasama ang nurse. Kaya lumapit ako sa kama ng Anak ko at tinitigan sya.

'Nakabalik na siya sa lugar kung saan siya nararapat, caston. huwag kang magalala, ginagabayan ko parin siya, hintayin mo na magising ulit siya sa totoo niyang katawan tsaka kayo umalis rito.'

Isang bulong ang nakarating saakin, ngumiti na lang ako at hinawakan ang kamay ng aking anak.

Nagtitiwala ako sayo, nixyn.

________________________

CesiXia
Plagiarism Is A Crime.

Boyish Reincarnated As Princess Where stories live. Discover now