Chapter 84

348 10 1
                                    


Chapter 84: Callisa.. you're back.

Caxyn's POV

"oh baby, my baby.. perfect! ang ganda." nandito na ako, at inaayusan ni elana.

"okay na ito, thanks." ngumiti lang siya at tumango. Nagayos narin siya dahil malapit na daw magsimula, kahit kalahating oras pa naman bago talaga mag simula.

"excited na ako, alam mo ba.. may pogi pala do'n sa Class C, kung alam ko lang edi sana do'n nalang ako, mukhang hindi naman ako welcome sa Royalties." biglang saad nito, well parehas naman kami, hindi rin naman ako welcome sa Royalties.

bumuntong hininga ako. "We don't really have a choice here, it's the royalties class or none."

natawa siya. "ikaw wala nang choice, pero ako meron pa, pwede akong lumipat, since do'n lang naman talaga ang kaya ng magic ko, pero syempre hindi kita iiwan." dagdag pa niya.

umirap ako. "yeah right, if ever you switch class. I will leave this place, it's not like I want to be here anyway." natawa nanaman siya.

"Hoy, hindi naman iiwan eh, tsaka duh? tatanggi pa ba ako? royalties class na 'yon tapos nandito na ako sa academy. Alam mo namang pangarap ko lang dati na makapasok dito eh." pagdadahilan niya.

Hindi nalang ako tumugon at hinintay siyang matapos sa pagaayos, tapos na ako at wala nang kailangan gawin kaya siya nalang iniintay ko.

"I'm done, oh diba? ang ganda ko." sumangayon ako sa kaniya, totoo ang sinabi niya. Ang ganda niya lalo na't 'yon ang suot niya.

"Yes, you look beautiful. Tara na." pag yakag ko sakaniya.

Tumango siya sa'kin at sumunod nalang, nakikinig lang ako sa pinagsasasabi niya hanggang sa makarating kami sa dance party. Marami nang estudyante ang naroroon kaya't sumama nalang kami sakanila.

"Hi! you look beautiful tonight." biglang may lumapit sa'min, sa'kin. Siguro ay hindi niya ako mamukhaan.

"Thank you, you're more beautiful." pag compliment ko rin sa babae, hindi ko siya kilala. Pero mukha namang mabait.

"Ano 'yon? hala, magaling ka pala sa mga ganito eh." pagpansin sa'kin ni Elana.

inignora ko nalang ang sinabi niya ay niyakag siya sa mga pagkain.

"Let's go there, andaming pagkain do'n." itinuro ko ang mga pagkain, nandito lang naman ako para sa pagkain at wala ng iba.

tumango si Elana at nagpunta kami roon, pero may pumigil sa'min na kamay nang kung sino.

"Miss.. Caxyn, May i dance with you?" liningon ko kung sino ang taong pumigil sa'kin na kumain, hindi ko rin siya kilala kaya't paano niya ako nakikilala?

inignora ko ang kamay nito. "I can't, I'm hungry." saad ko at umalis sa harapan niya para dumeretso sa pagkain.

Nakasunod naman sa'kin si Elana na natatawa. "My gosh, I can't I'm hungry pala." tinutukso ata ako, hindi naman gagana 'yon dahil nakatuon ako sa pagkain.

"I'll dance with other people if.. i know them, and we're close. But i don't know him." pagdadahilan ko, ayoko lang talaga sumayaw.

"Sige, pero makikipag sayaw na ako ha, ayokong magmukmok lang dito. bye." umalis na siya sa harapan ko, bahala siya sa buhay niya. Aalis nalang ako pag boring na dito.

Nagsimula na ata ang sayaw at marami na ang nasa gitna para makipagsayaw, habang ako ay pinapanood lang sila.

"Ang boring ba?" biglang may tumabi sa'kin, tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita. "Where's mister vampire?" kung hindi ko lang talaga ito kilala.

Boyish Reincarnated As Princess Where stories live. Discover now