Chapter 89

326 9 0
                                    

Ashania'

"bro, nahihiya ako." narinig kong bulong ni mike, napailing nalang ako.

"sa kapal ng mukha mong 'yan? nahihiya ka?" narinig kong banat ni emerald, nakarinig ako ng mga tawanan, kahit ako ay muntik ng matawa.

"grabe kayo, hindi naman ako manliligaw lang e.. I'm asking her to marry me, gago." napailing ako, ang bilis ng mga gagong 'to, last last year lang ay halos mamatay na kami tapos pakasalan na agad.

"ang ingay niyo, parating na 'yun." bulong ko naman, naggawa kami ng surprise party para kay seanna, magpo-propose kasi si mike ngayon.. hindi naman na daw kailangan patagalin, tatawanan ko talaga ito pag humindi si seanna.

"she's here." si amethyst iyon, pati siya ay pumayag dahil matagal niya daw itong gustong makita.

Pagpasok na pagpasok ni seanna ay pinasabog agad nila ang party popper, hindi ko alam kung bakit kailangan no'n pero bahala na sila. Nakita ko ang gulat sa mukha nito, at biglang hinila siya papasok ni emerald.

Sumulpot naman sa likod nito si mike, nakangiti ito at nakaluhod na.

"anong mayroon?" narinig ko ang mahinang tanong ni seanna, humagikgik naman si emerald.

"ayusin mo desisyon mo." bulong naman ni emerald at iniwan sa gitna si seanna, nagtama ang mata namin kaya binigyan ko siya ng isang ngiti.

Nagsimulang tumugtog ang mahinang musika, parang pang slow dance iyon.. hindi naman mawari ni seanna kung ano ang gagawin kaya't tumalikod ito.. na hindi alam na naroroon si mike. Halata sa mukha nito ang pagka-gulat, hindi siya nakapagsalita.

"seanna.." saad ng nakaluhod na si mike, mukhang kinakabahan siya kahit nakangiti. "will you stay with me for the rest of our lives?" isang tanong.. pero nakita namin kung paano hindi makapagsalita si seanna.

"ha?" mahina kaming natawa sa reaksyon ni seanna.

"seanna.. will you marry me?" paguulit ni mike sa sinabi, mas lalong nagulat si seanna, she looks dumbfounded.

"duke.." lumuhod din si seanna at bumulong kay mike, dahilan na mapatayo ito at buhatin si seanna.

"putangina mo! ibaba mo ako!" lahat kami ay natawa sa sigaw ni seanna, pero nagulat nalang kami ng patahimikin ito ni mike sa pamamagitan ng paghalik niya.

"gago, pda." bulong ni claudia sa tabi ko, napailing nalang ako.

ibinaba ni mike si seanna at isinuot ang singsing na matagal na raw nakalaan para sa araw na ito.

"will you dance with me?" tanong ni mike, ngumiti naman si seanna at tumango sabay kuha ng kamay ni mike.. nasa gitna sila parehas at nagsasayaw.

"sanaol." mahinang bulong ni claudia sa may gilid ko, nakita ko naman si eros na nakatingin dito.

"do you want to dance?" inalok ni eros ang kamay nito kay claudia, halatang nagulat ito pero wala sa mukha na gustong tumanggi.

"as friends?" natawa naman ako sa sinabi nito at itinulak nalang siya papalapit sa lalaki, ngumiti sila sa'kin at nagsayaw nalang din. 'more than friends kayo, baliw' isang tingin na ipinukol ko sa dalawa.

"ayoko." rinig kong saad ni.. emerald, mukhang inalok siyang magsayaw ni ashiro.

"please?" bulong ni ashiro, nagiisip si emerald kung tatanggapin ba ang alok nito.

"tanggapin mo na." rinig kong saad ni amethyst na ngayon ay kasama na si ash, ha? did i miss something?

natawa naman si emerald at hinila si ashiro sa may gitna para magsayaw, gano'n rin ang ginawa ni amethyst at ash.. maging si primus at cara na kanina pang nagsasayaw, wala naman si asher dahil may ginagawa ito.

Boyish Reincarnated As Princess Where stories live. Discover now