Chapter 61

353 19 2
                                    


Chapter 61:

"Celestiana!!" leviathan tried to call my name.

Hindi na ako si celestiana, please lang tama na.

"I hate you,"

Halatang hindi na ito nagulat dahil sa mga nagdaang araw ay iyon lamang ang lumalabas sa bibig ko.. na galit ako sa kanya.

"Celestiana.. bakit ba ang hirap sayo na tanggapin ako?" parang nasasaktang saad nito.

Parang? Mahirap talaga! gusto ko nang kalimutan ang lahat pero patuloy parin kayong balik ng balik! nakakapagod.

"Umalis kana, Hindi kita kailangan"

Umiling ito. " Kailangan ko pa bang gamitan ka ng kapangyarihan para lang sumunod ka saakin?" tanong nito.

"Umalis ka."

"Celestiana!! Lahat ng ito ay ginagwa ko para sayo! saatin, kaya bakitang hirap para sayo na tanggapin ang lahat?!" sumigaw ito, naglalabas siya ng kakaibang aura.

"Hindi ko hiniling na gawin mo ang lahat para saakin! dahil kahit kailan ay hindi kita kinailangan!!" sumigaw ako pabalik, hindi ko namalayan na lumulutang na ako sa ere habang ang kamay niya ay nasa leeg ko.

Ang hirap huminga..

"Kuya!" dumating si cara at pinipigilan si Leviathan.

tinitigan ko nang matagal ang mata ni leviathan, nakita ko doon ang puot, hinanakit, galit..

Hindi parin ako nito binibitawan, hindi na ako makahinga ng ayos.

"kuya, tama na!" sinigawan ni cara si leviathan.

biglang nawala ang aura ni leviathan at nabitawan ko nito.

tiningnan ko siya.

"celes- I'm sorry," takot ang makikita mo sa mukha nito.

naghahabol nang hininga, tinitigan ko siya.. puno ng takot at sakit ang emosyon.

Hindi naman totoo ang ipinapakita niyang emosyon, at para saan pa kung maaawa lamang ako dito?

Bumibigat ang talukap ng aking mga mata, ngunit nakatingin lamang ako sakanya.

"Celes-" nagsalita ito pero pinigilan ni cara

"kuya, tama na." cara.

sa sobrang bigat ng talukap ko ay hindi ko na napigilan ang pagpikit ng aking mga mata at nakain ako ng kadiliman.

_______________________

Boyish Reincarnated As Princess Where stories live. Discover now