Chapter 83

494 16 0
                                    


Chapter 83: something's wrong..

Caxyn's POV

"caxyn, kain kana oh" inabot sa'kin ni Elana ang pagkain na niluto niya..

ngumiti ako. "thank you.." pagpapasalamat ko rito.

"sabihin mo lang kung may iba ka pang gusto, ipagluluto kita." saad nito bago isubo ang pagkain.

umiling ako sakaniya, okay na sa'kin ito, tsaka hindi naman ako gaanong gutom.

"okay ka lang? sure ka ba na wala ka ng kailangan?" tanong ulit ni Elana, naninigurado.

"I'm fine Elana, hindi naman ako masyadong gutom.." sagot ko rito, mukhang hindi naman ito naniwala sa'kin.

"sure kana?" pagtatanong muli nito, hindi ko mapigilang matawa.

"I'm sure.. and please, you don't have to do this for me, i can do it myself.." pagbibigay alam ko sakaniya.

tumango tango naman siya at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi parin nawawala sa isip ko ang mga sinabi ni Blake kanina, parang kahapon ay ayos pa kami.

"oh! nakalukot yung mukha mo, ayos ka lang ba talaga?" nagulat ako kay Elana, she's watching me..

"elana, okay lang ako.." napabuntong hininga ako.

"wag mo na kasing isipin, ganito nalang, alam mo na ba yung gaganapin bukas?" pagtatanong nito.. gaganapin bukas?

umiling ako.

"mayroon daw dance party, nakahanda nanga yung gymnasium natin e, doon daw gaganapin.. tapos meron ring confession booth!!" pagbibigay alam sa'kin ni Elana.

tumango tango ako.

"hindi kaba excited?!" inalog ako ni Elana.

umiling ako. "bakit ako maeexcite? dance party lang naman" inalog ulit ako ni Elana.

"dance party lang?! lang?!" may pa sigaw sigaw pa ito.. "pwede kang makipagsayaw kahit kanino! walang bawal since lahat ay kasali, at bawal rin daw tumanggi ang inalok mo ng sayaw, tapos may confession booth pa, it means pwede kang magconfess ng kahit ano ng hindi malalaman ng iba kung sino ang nagconfess.." mahabang saad ni Elana, medyo hiningal pa siya.

"wow.. sounds great!" pilit kong saad.

napasimangot naman si Elana. "come'on caxyn, one time chance lang ito.. and we have to pick our dresses for tomorrow! kaya let's skip class tapos punta tayo ng mall!" saad nito, mukhang excited na talaga siya.

tumango nalang ako sa mga sinasabi niya.. "ako na maghugas, upo ka muna dyan" kinuha ni Elana ang pinggan at nagsimulang maghugas, gusto ko sana na ako na dahil nagluto naman siya pero ayaw niyang ipa-agaw.

Nilibot ko ang tingin sa buong dorm ni Elana, bago rin ang dorm niya.. at ang linis dito. Marami na agad ang mga display sa dorm niya, parang noong isang araw lang kami nagbago ng dorm at ayos na ayos na kaagad ang kaniya.

"I'm done, tara na?" nagsalita si Elana galing sa Kusina.

"tara." saad ko at sumunod sakaniya palabas ng dorm, bigla akong kinilabutan sa lakas ng hangin pag labas namin.

"what the-" napayakap sa'kin si Elana.

bakit ang lakas ng hangin?

"wow, mas malakas ngayon, wag kang magalala.. normal lang ito paglabas ng dorm ko, pero medyo malakas ngayon." pagbibigay alam sa'kin ni Elana.

Boyish Reincarnated As Princess Where stories live. Discover now