Chapter 15

2.1K 75 0
                                    


Chapter 15:

Boyish Reincarnated As Princess

Ashania'POV

Nagising ako sa kwarto ko sa mansyon.. hindi muna ako bumangon dahil iniisip ko pa kung kailan ako makakabalik sa mundo ko.

Bumangon ako at tumapat sa salamin.. hindi sa'kin ang katawan na ito, matagal na ako rito.. its been 2 years and I don't know where is the place to go back where i belong.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto.

"come in." pumasok doon si amethyst.

"ikaw nalang ang hinihintay sa baba, halika na." tumango ako, umalis naman siya kaya nagpunta muna ako sa bathroom.

After that ay bumaba na ako at nagpunta sa dining room. . nakita kong kumpleto na sila at ako nalang ang wala. Umupo ako sa bakanteng upuan at nagsimulang kumain, gano'n din ang ginawa nila.

Paano kaya ako makakabalik? ayoko na dito, hindi na ako masaya. . . ang tagal na rin simula no'ng nakita ko si dad, at paano ko sasabihin sa kaniya ito? mabubuhay pa ba ako sa totoo kong katawan?

"ashania. ."

"ashania."

"ashania!" napatingin ako sa nagsalita, si emerald.

"what?" tanong ko rito.

"kanina ka pang tulala. . hindi mo ginagalaw ang pagkain mo, patapos na kami." si anntoneth naman ang nagsalita.

Ah. . napatingin ako sa pagkain nila, patapos na nga sila habang ang dami pa ng pagkain ko.

"may problema ba? if you're thinking about what happened last time, 'wag na. . hindi mo kailangang hanapin pa ang mga 'yon, napatay narin naman ang iba sa kanila." iba? pinatay nga lahat.

"how would you feel. . if i die?"

Napaisip ako, magagalit ba sila kapag nalaman na nila na hindi naman talaga ako si ashania at ginagamit ko lang ang katawan niya? would they forgive me or kill me?

"at bakit mo naman naitanong? akala mo naman ay mamamatay ka." si emerald ang sumagot.

Siguro ay nakakayanan pa nilang magbiro ngayon pero sa oras na malaman nila ay magalit. Hindi ko naman sila masisisi if ever man. . pero 'wag din nila akong sisihin dahil sila naman ang dahilan ng pagkamatay ni ashania.

"Sinabi ko na sa'yo. . don't think–" pinutol ko ang sinabi ni anntoneth.

"I wasn't thinking about it. . nagtanong lang ng posible."

"kumain ka nalang. . kung ano ano iniisip mo." si ash naman ang nagsalita, wow ha.

"okay." alam kong hindi na sila galit, pero ilang percent kaya? 90% papatayin ako, 10% maaawa.

Kumain nalang ako at nagisip pa ng mga posibilidad na mangyari sa oras na sabihin ko sa kanila na wala na si ashania kasi patay na. Pero mukhang maaabala pa ako, ramdam na ramdam ko ang aura ng lalaking 'yon, akala niya ba ay maitatago niya?

"Iha. . mayroon kang bisita sa salas, kaibigan mo daw."dumating si manang upang ipaalam ang balita.

"Ah, I'll take care of him nalang po. . salamat manang, kumain na rin po kayo." tumango naman at ngumiti si manang, pagtapos kong kumain ay lumabas ako ng dining room at natagpuan nga si rash sa salas.

"wife. ." wife amputa, isang tawag pa ng gan'yan, babaon itong nails ko sa'yo.

"refrain yourself from calling me that. . hindi mo ako asawa, hindi kita kilala."

ngumisi sa'kin si rash at lumapit. . bubulong pa. "but you enjoyed our passionate kiss."

naghalikan si ashania at rash? bakit wala naman ito sa alaala ni ashania?

"what do you mean?"

"we kissed, come on. . you're hurting me, alalahanin mo." rash said, wala naman atang gano'n. . 'di ba?

"stop."

"why? we did that, there's nothing to be shy." ngisi nito.

Kung ako si ashania, pero hindi kaya lumayo ka sa'king baliw ka.

"i said stop, hindi ka makaintindi?"

"Well. ." he licked his bottom lips. "make me." ngisi nito sa'kin, medyo inilapit pa nito ang mukha sa'kin.

"layo."

Natawa naman siya pero ginawa pa rin.

"feisty. . parehas kayo." kumunot ang noo ko sa sinabi nito, ano daw?

______________________

Boyish Reincarnated As Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon