Chapter 54

1.4K 27 3
                                    


Upang maiwasan ang susunod na pangangantyaw  ng aking mga pinsan ay dali-dali kong inalis ang pagkapulupot ng braso ni Jordan sa aking balikat.

Inirapan ko ang aking mga pinsan at hinilang muli si Jordan papasok sa kaniyang kotse.

"Let's go!" Nilakihan ko siya ng mata nang nakita na gustong buksan ni Kendall ang door handle ng kinauupuan ko.

Agad ko naman iyong ni-lock. I mentally cursed my cousins who are now grinning like an idiot at the parking lot.

Nang nagkaroon ng tamang distansya sa pagitan namin at ng aking mga pinsan ay hinawakan ko ang braso ni Jordan.

As if he read my mind, he stopped the car. Ibinaba ko ang bintana ng kotse niya at inirapan ang mga pinsan.

"Shut up!" Sigaw ko sa kanila.

Bilang sagot ay malakas na halakhakan na mayroong kasamang pangangantyaw ang ibinigay nila sa akin.

"Tara na nga!" Anyaya ko kay Jordan at hindi na pinansin ang mga pinsan sa labas na paniguradong pagkakaguluhan ako sa mga susunod na araw.

Tahimik ang naging byahe namin ni Jordan pauwi. We were both fine with the silence 'cause it was comforting and not awkward.

"O? 'Di naman ito 'yong daan sa amin a!" Ako ang bumasag sa payapang katahimikan sa aming pagitan.

Jordan only smirked. Sumipol siya. "You're not coming home to your house today, Reign. You're coming home with me." Ani sa malambing na boses.

Bigla akong kinabahan. Sandaling nanglaki ang aking mata.

Anong sa kaniya ako uuwi?! Daddy will raise hell if he will know about this! At isa pa, paano si Xanley kung hindi ako uuwi sa bahay?

"H-huh? Si Xanley, paano?" Tumaas ang sulok ng kaniyang labi nang marinig ang tanong ko.

I mentally slapped my face. Talaga, Reign? Iyan ang tanong mo? Hindi ba ang dapat na sagot ko sa kaniya ay 'hindi'?!

"Don't worry, I talked to Xanley and I already called your parents earlier... bago kita pinuntahan sa club."

"And they agreed?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.

Tumango siya. "Why wouldn't they agree? It's not like we haven't slept in the same bed before."Binigyan niya ako ng mapanuyang tingin.

Pinag-initan agad ako ng pisngi dahil sa sinabi niya.

Hindi na ako muling nagsalita. Sa buong byahe ay panay naman ang titig sa akin ni Jordan habang nakangisi. Napapailing na lamang ako sa tuwing ginagawa niya iyon.

Kinagat ko ang akong labi nang mapagtanto ang daan na aming tinatahak. Tinignan ko si Jordan na seryoso habang nagmamaneho.

"You did our house good." Tumikhim ako nang marinig ang pagsasalita ni Jordan.

We now arrived in front of the newly renovated house of Jordan. Nakabukas ang ilaw sa harap ng kaniyang bahay. Agad kaming sinalubong ng dalawang guard at pinapasok na sa loob.

"Bakit dito?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Bakit hindi?" Nagtaas siya ng kilay sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at tuluyan ng lumabas ng sasakyan upang siya'y matabihan. Marahan niyang pinadausdos ang kaniyang kamay sa aking palad.

He kissed my temple before slowly leaning on my side to whisper.

"This will be our new home." He whispered before placing a kiss on my hand.

Ngumuso ako.

"Let's go inside." Tahimik akong sumunod sa kaniya habang ako naman ay kaniyang hila sa likod.

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon