Chapter 12

1.3K 24 12
                                    


"Pakiramdam ko kaya lagi tayo'ng natatalo ay dahil kay Uno at Dos." Ani ni Kyrie habang naglalakad pabalik sa bahay nina Raika.

Hindi pa sila nakakapagpalit at suot pa din ang jersey na punong-puno ng pawis. Ang sabi nila ay dito na lang sila maglilinis ng katawan.

16 kaming magpi-pinsan na naglalakad papunta sa bahay nina Raika at hindi maiiwasang mapatingin sa amin ang mga taga-village dahil sa dami at ingay namin.

"Oh talaga?" Sarkastikong sagot sa kaniya ni Dos na napupuno na sa mga pang-aasar nila.

"Bakit kami ang lagi niyong sinisisi? Kasalanan ba naming magkambal na naaawa kami sa mga babae na nagpapapansin sa amin?" Taas noong humalakhak si Uno na binatukan ni Kuya.

"Naaawa my ass! Ang sabihin niyo ay gustong-gusto niyo na nagpapapansin ang mga babae'ng 'yon sa inyo!" Inirapan sila ni Clary.

"Bakit ba lagi kaming dalawa ni Dos ang pinupuntirya niyo? Pwede namang si Kaiden o si Kai!" Maarteng iniwanan kami ni Uno at binilisan ang lakad papunta sa gate nila Raika.

"'Cause you're both a hoe!" Humagikgik si Nyxie kaya napatingin sa amin ang mga babae na naglalakad papalabas ng village.

"I want to eat already!" Hinawakan ni Kendalla ng tyan niya. "May pagkain ba doon Hux?" Bumaling siya kay Huxley na abalang-abala sa babae'ng kasama niya.

"Oo, nagpahanda ako kay manang." Tumango sa amin si Huxley at ibinalik na ang atensyon kay Thalia.

Pagkapasok namin sa pinto ng engrandeng bahay nila Raika ay sumalubong sa amin ang isang tarpaulin.

Congratulations for winning.

Iyon ang nakasulat doon. Naroon ang mukha ng mga pinsan kong lalaki na nakasuot ng jersey na kinuhanan noong nakaraang buwan.

Mayroon pang trophy na design doon sa gilid.

"We lose." Si Kuya Scott sa mga kasambahay.

Nagulat kami ng biglang hinatak ng dalawang driver ang tarpaulin. Nahulog iyon at ang pumalit ay isang panibagong tarpaulin na nakatago sa likod nito.

Congratulations for trying :)

Humagalpak kami sa tawa nang mabasa iyon. Parang pinaghadaan talaga nila ang pagkatalo ng mga pinsan ko at mayroon pa'ng nakahandang ganoon!

"I don't know if we should feel happy or insulted." Calvin chuckled while looking at the tarpaulin.

"Mukhang alam talaga na matatalo kayo kaya mayroong ganiyan." Tumawa si Kendall at hinawakan ang tarpaulin.

"Who the fuck did this?" Malachai ask while seating at the sofa.

"You did this?" Bulong ko kay Clary.

"Shh..." Inilagay niya ang hintuturo sa labi at sumenyas na tumahimik ako.

Tumango ako sa kaniya at lihim na napatawa nalang dahil sa kalokohan ni Clary.

"This is epic! Sayang at walang video." Tumatawang sabi ni Legion.

"Maligo nga muna kayo! You guys stink!" Maarteng sabi ni Nyxie at binato ng unan ang mga pinsan.

"Kaiden!" Sigaw niya ng bigla siyang niyakap ni Kaiden at tumakbo na sa taas.

"Una na ko sa shower!" Tumatawang takbo niya.

"Hoy ako muna!" Sumunod agad ang mga pinsan ko at nag-unahan na sa kung sino ang unang gagamit ng baniyo.

"Damn! Kyrie maiipit ako!" Narinig kong sigaw ni Uno.

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon