Chapter 15

1.3K 24 2
                                    


"So where are we going later?" Isinubo ko ang isang piraso ng bacon sa aking bibig.

It is already 8 in the morning when we both decided to roam around. Sa totoo lang ay pareho kaming tinatamad ni Jordan na bumangon at mas gusto naming humiga nalang sa kama at mag-usap. Kasi nga lang ay sayang ang punta namin dito kung iyon lang ang gagawin naming dalawa kaya sa huli ay lumabas din kami.

This is our second day at Cantabria. Ang sabi sa akin ni Jordan ay i-ikot niya ako sa kanilang farm ngayon, pagkatapos naming kumain ng almusal.

Jordan is like a tourist guide right now, my personal tourist guide who is freaking hot and sexy.

"You want to go at the hills later? Maganda ang sunset doon." Tumango ako agad sa kaniya.

Wala naman akong alam na mga lugar dito kaya siya na ang bahala at sasama na lamang ako sa kaniya.

Noong tinawagan ko si Mommy kagabi ay halos isumpa niya na ako dahil hindi niya daw ako matawagan at akala niya ay kung ano na ang nangyari sa akin.

Mommy got hysterical last night. Tinatanong niya kung papatayin ko daw ba siya sa pag-aalala. Mabuti na nga lang daw ay hinayaan niya akong umalis.

Nakalimutan ko kasing naka enable pala ang 'do not disturb' mode ng aking cellphone. Naalala ko nalang noong tumawag na ako kay Mommy.

Daddy on the other hand, is not very please with me not asking for permission personally. Iniutos ko pa daw iyon kay mommy, sana daw ay ako na mismo ang nagpaalam sa kaniya dahil wala siyang kaalam-alam na mawawala pala ang dalaga niya sa loob ng tatlong araw.

Pinakinggan ko na lamang ang mga reklamo nila sa akin at hindi na sumagot pa. Nakakahiya nga dahil pinapanood pa ako ni Jordan habang pinapagalitan ako ni Daddy!

Nagawa pa niya akong tawanan! Sa totoo lang naman ay kasalanan niya kung bakit ako pinagalitan! Kung hindi lang sana niya ako inaya na pumunta dito sana ay hindi ako pinapagalitan ng magulang ko!

"Do you have horses here? I have never ride a horse in my entire life!" Kuryoso kong tanong sa kaniya habang naglalakad.

Pareho kaming nakasuot ng boots dahil baka mayroong putik sa mga pupuntahan namin. Nag-ayos ako ng sarili at siniguradong komportable ang damit na suot ko. Although puro hayop lang naman talaga ang makikita namin dito ay nag-abala pa akong ayusan ang sarili.

Not like magugustuhan ako ng mga hayop dito.

"Yes we have, Reign. This is a farm, what do you expect? Robots?" Sarkastikong sagot niya sa akin.

Hinampas ko naman ang braso niya dahil sa ginawang pamimilosopo sa akin.

Jordan's family is into agriculture. Ang alam ko ay malaki ang lupang nasasakupan nila dito at mayroon silang ilang daang mga trabahador.

Ang alam ko ay mayroon silang iba't-ibang plantation ng mga prutas at gulay dito. Ang sabi niya sa akin ay medyo malayo iyon sa mismong mansyon nila.

At the back of their mansion, you'll see their ranch. Mayroong mga dayami doon at may ilang bahagi na maputik.

I can almost here their farm animals while we are walking!

Una kaming pumunta sa kulungan ng manok nila na napakalaki.

Gusto pa na pahawakan sa akin ni Jordan ang manok na hawak niya ngunit tumanggi ako dahil mukhang gusto akong tukain noon.

"What? No! 'Wag mo sa akin ibigay! Ibabato ko 'yan!" Sigaw ko sa kaniya ng sinubukan niyang muling ilalit sa akin ang manok.

Humalakhak siya dahil sa reaksyon ko.

"You scared?"

"Look at it kasi! Nakakatakot kaya siya!" Umiling ako sa kaniya at lumayo.

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon