Chapter 16

1.2K 27 3
                                    


"Dito nalang kaya ako sa sasakyan?" Ngumuso ako habang tinatanaw ang mga tao na nasa isang kainan dito sa may Plaza.

Tinignan ko si Jordan na sumimangot sa akin at umiling.

"Come on, you'll get bored here. Ipapakilala kita sa kanila." Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ang likod ng aking palad.

"Pinakilala mo na naman ako sa kanila kahapon 'di ba? Ikaw nalang! Para makapag-enjoy ka." Pangungumbinsi ko sa kaniya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko, sa halip ay pinatay niya ang makina ng sasakyan at tuloy-tuloy na lumabas dito. Umikot siya sa harapan at pinagbuksan akonng pinto.

"I won't enjoy it if you're not with me, Reign." Napalabi ako dahil sa pagiging seryoso niya.

Sa huli ay iniabot ko sa kaniya ang aking kamay at bumaba na din sa sasakyan.

Inilagay niya ang kaniyang kamay sa aking likod. Ako naman ay tahimik lamang na naglalakad sa kaniyang tabi.

Hindi naman sa ayaw ko na isama niya ako dito. Sa totoo lang ay gusto kong sumama dahil baka kung sino'ng haliparot ang lumapit sa kaniya at landiin siya, not like magpapalandi si Jordan.

The reason why I don't want to go is because I want him to spend his time with his childhood friends here. Paano siya makakapag enjoy kung nandito ako sa tabi niya?

Knowing Jordan, he probably won't let me off his gaze this evening. Hindi naman pwede 'yon!

Sa ilang buwan naming magkasama ni Jordan ay alam ko na hinding-hindi niya ako paaalisin sa kaniyang tabi.

The one thing that I noticed about Jordan when we are together is that he wants me close to him. He never lets his hands to slip through my waist.

Kahit na malayo pa kami ay naririnig ko na ang malakas na tugtugan mula sa loob ng restaurant na sa tingin ko ay bar?

Mukhang madaming tao doon base sa mga sasakyan na nakita ko na naka park sa harapan.

I confirmed what I was thinking when we entered the place.

Ang tinatapakan namin ay bato lamang, mayroong mga lamesang gawa sa bamboo ang nakakalat dito. Mayroong mga iba't-ibang kulay mula sa harapan ang tumama sa aking mukha.

Sa harap ay mayroong isang mahabang bartender na gawa din sa bamboo. Mayroong mga alak na naka display dito.

"Jordan!" Binati siya ng mga kakilala niya.

Suddenly, all eyes are heading towards us. May nakita akong mga lalaki na umiinom sa isang lamesa, mayroon din silang kasamang mga babae doon. Sa kabilang lamesa naman ay puro mga babae na sa tingin ko ay naglalaro.

"Miss you bro!" Sabi ng isang lalaki na nakipag-apir sa kaniya.

Napahiwalay ako kay Jordan ng biglang mayroong dumagsang mga babae. I tried to reach for his hands but I wasn't able because I was getting pulled off.

Ngumuso ako at hinayaan nalang iyon. Mukhang napansin naman iyon ni Jordan kaya agad na hinanap ng kaniyang mata ang akin.

When his eyes landed to me, I smile at him and nodded.

"I'm fine." I mouthed.

Lumayo ako at umupo sa isang bamboo chair na libre. I look so out of the place dahil wala man lamang nakaupo dito kundi ako.

"Jordan! Bakit hindi mo sinabi na uuwi ka na pala? Hindi pa namin malalaman kung hindi sinabi ni Justin!" Ani ng isang babae.

"Yeah, biglaan eh." I saw Jordan trying to get away from the people around him but they did not let him.

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon