PROLOGUE

93 4 0
                                    

                         PROLOGUE



"I'll go now"

I kissed mom's cheek.

"Mag iingat ka. Call us if something happened" mom said.

"I will. Bye"

Mabilis akong lumabas at sumakay sa sasakyan ni daddy. Kanina pa siya nag hihintay dito. My bad. Ngayon pa kasi ako nag ayos ng gamit sa school.

"It's your first day as a second year college, how it feels?" He asked while driving.

" Nakaka excite na may halong kaba"

He chuckled. "And that's normal. Mag enjoy ka lang at mag aral ng mabuti. Ikaw ang inaasahan namin na magpapatakbo ng company natin"

"Kinakabahan ako dad, what if I fail? Natatakot ako baka hindi ko kayanin ang course ko"

"Don't overthink, Leila"

Pagkarating namin sa university, hinalikan ko si daddy sa pisngi at nagpaalam.

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa campus. Nahihilo ako dahil sa alon ng mga estudyante. Agad akong nagtungo sa building ng department namin at saka hinanap ang classroom.

"Leila omgggg" Bigla akong niyakap ni Anitha.

Anitha is my classmate slash friend. Pero hindi kami gaanong close katulad ni Neicy. Speaking of Neicy, I haven't seen her. Mabilis akong nagtipa ng mensahe para kay Neicy. I invited her to have lunch with me.

"Kumusta ka Anitha?" I asked.

She smiled. "I'm good, hindi ka nagrereply sa gc, sayang hindi ka nakasama sa outing natin"

"I was busy. I've spent my vacation in the province."

"That's okay, pero sama ka next outing ha!"

Ngumiti lang ako. Tinapik ko ang kanyang balikat bago umupo. Napansin kong, may transferee kaming lalaki. I stared at him for a moment. He's pogi to be fair. Nataranta ako ng lumingon siya sa banda ko. Agad akong umiwas.

"Who's that?" Tanong ko kay Caesar, seatmate ko.

"Sino?" Taka kong tanong.

Ngumuso ako para ituro ang transferee.

"Ah, hindi ko alam. Bakit ko naitanong? Bet mo?"

Napangiwi ako sa sinabi niya.

"May iba akong bet!"

"Maniwala. Alam mo, ayokong magjowa ng classmate dahil paano kung hindi ako makasagot sa recitation, nakakahiya."

"Bakit mo yan sinasabi sa akin? Nakakasagot naman ako sa recitation ah!"

"I know, you're a top student kaya. Ang point ko, wag kang magjojowa ng classmate. Mahirap."

I chuckled. "Ba't mo alam? Nasubukan mo na ba?"

Natatawa siyang tumango. "I've been there---"

"Hindi ka nakasagot sa recitation?"

"Oo, highschool pa ako nun"

Natawa ako sa sinabi niya. Kaya pala ang galing mag advice dahil na experience na niya pala. Mabuti nalang may seatmate akong katulad niya. Hindi ako mababagot nito.

Hindi nagtagal dumating na rin ang professor namin.

"Good morning! Let's have a roll call. Stand up when your name is called" he announced.

"Hulaan ko, tell me more about yourself yan" sambit ni Caesar sapat lang para marinig ko.

Siniko ko siya ng mahina. Ang advance niyang mag isip. Bigla akong kinabahan ng mapagtanto kong ako na ang susunod.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now