34

27 1 0
                                    

                                  34


"Happy family pala kayo kanina," pang aasar ni Ali.

Nandito kami sa isang restaurant malapit lang sa Disneyland. Pinapakain ni manang si Lia, habang ang anak ko naman ay nanonood ng videos sa iPad niya. Kaya wala akong magawa kundi kausapin at sagutin ang mga tanong ni Ali tungkol kay Adriel.

"Stop it, Ali. Baka marinig ka ng bata"

Tumawa lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Let me ask you a question, Liela. I'm dying to know this"

Tinaasan ko siya ng kilay. Ang sarap talaga manakit minsan eh.

"What?" Mataray kong tanong at sumubo ng pagkain.

"May epekto pa rin ba si Adriel sayo?"

Muntik na akong mabulunan sa tanong niya. Mabilis niya naman inabot sa akin ang isang baso ng tubig. Anong klaseng tanong iyon?

"Wait, let me rephrase my question. Are you still in love with Adriel?" Mahina niyang tanong sapat lang para marinig ko.

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay ama siya ng anak ko. Ayokong sagutin ang tanong na ganyan, dahil hindi ko rin naman alam ang sagot.

"H-hindi ko alam, bakit siya ang pinag- uusapan natin? Bet mo ba siya? Kanina mo pa bukambibig si Adriel? Kaya siguro hindi ka nagkaka- girlfriend dahil boyfriend ang gusto mo " Pag iiba ko nang usapan.

He chuckled. "Are you out of your mind? At bakit napunta sa akin ang usapan?"

"You don't need to answer my question, Liela. Alam ko na," dagdag niya at may gumuhit na mapanuyang ngiti sa kanyang labi.

Bago matapos ang birthday ni Lia. Kinantahan namin siya ng happy birthday kasama ang crew ng restaurant. Binigyan rin siya ng regalo ng kanyang Babbo. Si Ali rin ang nagbayad sa dinner namin. Malaki na talaga ang utang ko kay Ali. Pagkatapos namin mag dinner, naglakad- lakad muna kami. Bumili ng mga souvenirs dahil uuwi na kami bukas. Binilhan rin namin si Lia ng mga laruan at damit galing sa Disneyland.

Kinabukasan, late na kaming nagising dahil napagod kami kahapon. Nasa kabilang room si Ali, hindi ko alam kung gising na ba siya. Tinulungan ko na si manang sa pag iimpake ng gamit namin. Medyo madami ang dadalhin namin pauwi dahil sa mga binili namin kahapon.

"Bye bye, hong kong Disneyland. I'll be back soon!" Malungkot na sambit ni Lia nang nasa eroplano na kami.

"Balik tayo bukas- Ouch!" natatawang wika ni Ali.

Agad ko naman siyang kinurot. Baka maniwala ang bata sa sinasabi niya. Umismid lang ito at kinausap si Lia. Nakakapagod pero masaya naman. Hangga't masaya si Lia, tanggal lahat ng pagod.

"Oo may pasalubong nga ako sayo, beh" Aniya ko.

Kasalukuyan ko kausap sa telepono si Niecy. Kakarating lang namin. Si Lia ay nasa sala, nilalaro ang mga bago niyang laruan. Habang si Ali naman ay umuwi na.

"Omg! Thank you, the best ka talaga momshie. Pero hindi ko pa alam kung kailan ang pupunta dyan eh."

"It's okay, pwede naman magkita nalang tayo malapit sa condo mo."

"That's a nice idea, tapos imbitahin rin natin si Caesar."

Sumang-ayon ako sa sinabi ni Niecy.

"Kumusta naman ang naging birthday celebration ni Lia?"

"It went well. Sobrang saya ni Lia kaya super worth it lahat ng gastos. Tapos...."

"Tapos ano?"

I bit my lip. "Nakasama ni Lia si Adriel."

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now