37

28 0 0
                                    

                                                                                                 37





Masayang nakikipaglaro si Lia sa kanyang Lolo at Lola. Si Adriel naman ay katulad ko, nakatingin lang kina Lia. Lumulundag ang puso ko sa tuwa dahil sa nakikita ko ngayon. Sa wakas,   kasama na ni Lia ang kanyang ama. Nakilala niya na rin ang mga magulang ni Adriel.

Dito na rin kami kumain ng tanghalian. Gusto man namin magtagal dito ngunit hindi pwede. Kailangan pa namin puntuhan si mommy. Mas kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni mommy. Alam kong, may galit pa sa kanyang puso.

"P-pwede naman sa susunod nalang natin bisitahin si mommy" suhestiyon ko.

"No, it's now or never" he said, keeping his eyes on the road.

"Galit pa rin...si mommy"

"I know. And that's why I want to talk to her, Leila" He took a glance at me.

I slowly nodded. Kinakabahan ako para kay Adriel. Iba pa naman magalit si mommy.

Dumoble ang kaba ko nang nakarating na kami sa bahay. Pumasok at pinaupo ko muna si Adriel habang si Lia ay nanonood sa kanyang iPad. Hinihintay namin si mommy, nasa kwarto niya ito nagbibihis.

"You look tense," napasinghap ako nang mapansing katabi ko na si Adriel.

I shuddered as I saw mommy walking towards us. I bit my lip. Hindi pa siya nakakalapit sa amin, mababakas na sa kanyang mga mata ang galit. The rage in her eyes is slowly rising up.

Nanginginig akong lumapit sa kanya. Ganun rin ang ginawa ni Adriel. Akmang magmamano siya kay mommy ngunit mabilis na tinampal ni mommy ang kamay ni Adriel.

"Anong ginagawa ng isang Villarreal dito sa pamamahay ko?" Kalmado ngunit iritado niyang tanong.

I know she's refraining to shout. Andito si Lia at hindi magandang makita niyang may nagsisigawan.

"M-mommy, Adriel wants to talk to...at alam niya na Ang lahat"

She chuckled. "Get lost, Villarreal. Wala akong panahon para makipag usap sayo"

"Please ma'am, I want to settle things down," Adriel said.

Hindi ko man lang nahihimigan ang kaba sa kanyang boses. Ang kalmado pa rin niya. Alam niya kung paano mag handle ng ganitong sitwasyon. Despite mom's angerness, he remains calm.

"I said get out!" Medyo tumaas ang boses ni mommy.

Napalunok ako ng ilang beses. Hinawakan ko ang kamay ni mommy para pakalmahin siya.

"Mommy, calm down please! He just wants to talk to you. Please give him a chance,"

Bumaling agad si mommy si akin. Kunot noo niya akong tinignan.

"So you're in his side now, huh?"

"What? That's now what I meant. Ang gusto ko lang ay pakinggan mo ang side niya mommy. Talk to him, para malagay na ang puso mo sa kapayapaan."

"Baka nakakalimutan mo ang ginawa nila sa atin, Leila! Sinira at sinayang nila tiwala natin, tapos ngayon nandito ka Villarreal para makipag usap sa akin? Daldalhin ko hanggang hukay ang galit ko sa inyo"

Napapikit ako ng marahan. Nangingilid ang luha ko ngayon, hindi ko inaasahan na ganito pala katindi ang pagkamuhi ni mommy.  Adriel's eyes darted on me. Umiling iling ako, muling kong tinignan si mommy.

"Mommy please, pakinggan mo lang side niya. You don't need to talk, just listen to him." Pagmamakaawa ko.

"Alam na niya ang tungkol kay Lia. Now, you're back together?"

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now