22

25 1 0
                                    

                                  22




Natapos lahat ng morning subjects namin, ngunit hindi pa rin bumabalik si Anitha. It bothers me knowing what happened earlier today. Baka anong nangyari na sa kanya. Maling- mali ang ginawa ni Caesar, mali rin ang ginawa ko. Kailangan namin mag usap, I want to settle things and make everything clear to her.

Natigil ako sa pag iisip nang bigla akong kurutin ni Caesar. Agad akong napalingon sa kanya. Nakahumalukipkip ito at masama ang tingin sa akin.

"What?!" I snapped at him. "Ang sakit ng kurot mo ah!"

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"

Napakunot ako ng noo.

"M-May sinasabi na ba?"

He hissed. "Kanina pa ako nagsasalita dito, hindi ka pala nakikinig."

"Ulitin mo nalang,"

"Ang sabi ko, ang ganda mo kaso bungol ka" Sabay irap sa akin.

Hinampas ko siya ng mahina nang iniripan niya ako. Nag ayos na ako ng gamit para makapag lunch na. Nauna na akong lumabas sa classroom, may pupuntahan pa kasi si Caesar. Pagkalabas ko nang building, natanaw ko si Adriel na nakapamulsa habang nakatingin sa akin. Nang magtama ang tingin namin, naglakad na siya papalapit sa akin. Ngayon ko lang naalala na sabay kaming magtatanghalian.

"Let me hold your bag" he said.

I stepped back when he tried to reach my bag.

"I can carry my bag, Adriel. Hindi naman mabigat ang dala ko,"

"Let's go" matigas niyang wika.

I was taken aback when he suddenly hold my hands. Napasulyap ako sa kanya, ngunit deritso lang itong nakatingin. Pilit kong hinahawi ang kamay niya habang naglalakad. Pero masyadong malakas si Adriel kaya hindi ako nagtagumpay. I roamed my eyes around. Lahat nang nadadaanan namin ay napapatingin sa amin ni Adriel. Hanggang nakarating kami sa cafeteria, hawak- hawak niya pa rin ang kamay ko. Lahat ng narito sa cafeteria napatigil sa pagkain, itinuon nila ang kanilang tingin sa amin.

Tumigil si Adriel at humarap sa akin. Naramdaman kong niluwagan niya ang pagkakahawak sa kamay ko kaya mabilis ko itong hinawi.

"Ako na ang pipila at bibili ng pagkain."  Aniya ni Adriel.

I nodded. "M-Maghahanap nalang ako ng bakanteng lamesa."

Mabilis akong tumalikod at naglakad para maghanap ng mauupuan. Pumwesto ako sa may gilid, sa wala masyadong tao. Ngayon ko lang napagtanto, bakit kasama ko si Adriel? Pwede naman ako hindi pumayag na kumain kasama siya. Napabuntong hininga ako.

"Eat everything in your plate" he said.

Umismid ako. "Hindi ko ito mauubos"

Napangiwi ako habang tinitignan ang mga pagkain na nasa plato ko. Hindi niya pinansin ang sinabi ko, nauna na itong kumain. Iniripan ko siya at kumain na.

"Pag hindi ko naubos, ikaw uubos nito ah" hamon ko.

He took a sipped on his juice before speaking.

"Okay, but please eat a lot. You're so thin. Ang gaan at ang dali mo ibalibag"

Nabulunan ako sa gulat nang marinig ang sinabi niya. Mabilis niyang inabot sa akin ang tubig. Agad ko itong iniinom at pinunasan ang bibig.

"Are you okay?" Nag- aalalang tanong niya.

Mahina ako tumango.

"Ano ba ang nangyayari sayo?"

"Don't mind me, I'm okay"

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now