31

25 2 0
                                    

                                  31



"Girl, tignan mo yung nasa kaliwa. He's looking at you, kanina pa iyan." Sigaw ni Niecy dahil hindi na kami magkarinigan.

I hissed. "He's not looking at me. Hindi lang naman ako ang nandito sa dancefloor"

"I'll bet my left boobie if he'll hit on you," Mayabang na suhestiyon ni Niecy.

"Ako mismo ang tatanggal ng kaliwang dede mo ah,"

"Okay, deal!" She confidently stated.

Nilapitan kami ni Caesar na may dalawang shots ng Bourbon. He offered it to us.

"Saan ka ba galing?" Tanong ko at nilagok ang binigay niya.

"Doing my own business," Aniya at kumindat.

"Doing his things" Niecy emphasizes things.

"Ano pa nga ba, so hindi ka na tuyot?"

Malandi itong tumawa.

"Hindi na beh, matutulog akong masaya"

"Gusto niyo rin ba lumigaya ang gabi niyo?" Tanong niya sa amin ni Niecy.

Mabilis kaning umiling ni Niecy.

"Masapak lang kita, masaya na ako" wika ni Niecy.

"Kaya mo 'ko saktan? Sige nga," paghahamon ni Caesar.

"You know I can't do that, baka masira  ang mukha mo."

Ilang minuto ang nakalipas, napag- isipan namin bumalik na sa table. Nahihilo na talaga ako sa alon ng tao. Habang pabalik kami, napahinto si Niecy ng may tumawag sa kanya. Mabilis akong lumingon.

"Long time no see, Taj!" Natatawang wika ni Niecy at tinapik ang balikat ni Taj.

"Halos hindi na kita makilala, you changed a lot. Mas lalo ka gumanda,"

Umiling si Niecy. "Bolero,"

"Who are you with?" Taj asked. Marahan niyang ipinilig ang ulo niya para tingnan kami.

"I'm with Caesar and....Leila" nagbigay ng daan si Niecy para makita kami ng maayos.

Kahit medyo madilim, naaninag ko ang mukha ni Taj na nakanganga. Ngumisi ako.

"Hi, Taj" bati ko. Lumapit ako para nakipagbeso.

"How are you, Leila? Ngayon lang ulit tayo nagkita" Hindi pa siya makapaniwala.

"I'm fine. Sobrang busy ako sa work, I heard you have a girlfriend,"

He chuckled. "I don't have."

"You must be kidding me. I heard it from our common friends,"

"Ganyan talaga basta chismosa" singit ni Caesar.

Sinamaan ko siya ng tingin at binalingan ulit si Taj.

"You should get a girlfriend," suhestiyon ko.

Ngumisi siya.

"Maraming iiyak na girls, pag may girlfriend na ako."

"Mahangin pala dito banda" Natatawang sambit ni Niecy.

"Sino pala kasama mo?" Tanong ni Caesar at inilibot ang tingin.

"Oh wait, nasaan ba sila"

Bigla akong kinabahan. I'm sure, he's with Adriel.

"Oh here they are,"

Tumigil ang mundo ko nang naglakad papalit sa amin si Adriel kasama si Rhys. Mahinang tumikhim si Niecy kaya napatingin ako sa kanya.

She mouthed. "Are you okay?"

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now