15

22 2 0
                                    

                                 15

Hindi kami nagtagal sa bahay nila mommy dahil may gagawin pa ako. Minsan lang kami mag usap ni Adriel sa condo, hindi ko pa feel na kausapin siya tulad ng dati. Kinabukasan, tama nga ang sinabi ni Virgo. Usap - usapan ang nangyari acquaintance party. May iba kinilig pero may mga naiinis rin kay Anitha.

Pagkarating ko sa classroom agad akong sinalubong ni Caesar. Hinila niya ako papaupo. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ka kasi umuwi noong friday, you missed the best part."

I stare at him with a boring look. "Tapos?"

"Anitha is being boastful" Bulong niya sa akin

"Ang tigas ng mukha mo, andyan si Anitha."

"Totoo ang sinasabi ko. You should check her Instagram."

"Why?" Taka kong tanong.

"Anitha posted a photo of the wedding ring they used at the booth. The caption is hilarious!" Mahina niyang

I tilted my head. Kinuha ko ang cellphone ko saka binisita ang profile ni Anitha sa Instagram. Agad kong pinindot ang latest post niya. Ilang beses akong napamura sa aking isipan nang makita ang kanyang post. Caeser was right. I gritted my teeth unconsciously. Lumapit sa aking si Caesar para tignan ang post. Kumunot ang noo ko.

"Read the caption!" Utos sa akin ni Caesar.

Mas lalong kumunot ang noo nang mabasa ang caption. Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa inis.

"Marriage booth, a fake marriage but we can make it real" basa ni Caesar sa caption.

Sumasakit ang ulo ko dahil kay Anitha. Tinignan ko ang comments sa post niya. Karamihan ng comments ay galing sa classmates namin. They even mentioned Adriel. Binalewala ko na ang post saka pinatay ang cellphone.

"Taray ni Anitha, may something ba sila ni Adriel? Dahil ang lakas ng loob niya na mag post"

"H-hindi ko alam. Hayaan mo na, kung saan siya masaya"

He chuckled. "Sabi nga nila, what Anitha wants Anitha gets"

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Caesar. Hindi ko akalain na aabot sa ganito si Anitha. Bigla ko naalala si Seanne, ganyan rin siya kay Symone noon. Nag ayos na ako ng gamit nang mag ring ang bell hudyat na lunch break na. Palabas na sana ako ng classroom ng bigla akong nilapitan ni Anitha.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Hinarap ko siya. Naiirata ako sa mukha niya sa hindi malamang dahilan. Malapad na nakangiti ito.

"Sabay na tayong mag lunch" aniya ni Anitha.

"Pasensya kana, hindi kita masasabayan dahil pupuntahan ko pa si Niecy" palusot ko.

Sumimangot siya. "Sayang. Marami pa naman akong gusto ikuwento sayo."

"Hindi ako interesado" Bulong ko sa sarili.

"Oh like what?" I asked.

"About me and Adriel. Dapat andun ka noong kinasal kami sa marriage booth. I want to thank you for your effort. Nagkausap kami dahil sayo. Hindi ko siya makakausap kung hindi dahil sayo. Thank you, Leila" Hinawakan na ang dalawang kamay ko.

Marahan kong hinawi ang kanyang mga kamay. Peke akong ngumiti. I can't understand her anymore. Gusto ko siya sabunutan dahil naiirita ako sa kinikilos at sinasabi niya. Hindi na siya ang Anitha na kilala ko. May parte sa akin na nagsisisi dahil tinulungan ko si Anitha na makalapit kay Adriel.

Ngumiti ulit siya bago naglakad papaalis. Napangiwi ako. Dahan dahan akong naglakad papuntang cafeteria. Ayokong sumabay kay Anitha. I hate her guts. Ilang minuto ang nakalipas nakarating na rin ako sa cafeteria. Pumili muna ako saka bumili ng pagkain. Habang naghahanap ako ng mauupuan, natanaw ng mga mata ko si Anitha. May kasama siyang lalaki. Ipinilig ko ang aking ulo para tignan kung sino ang kasama niya.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now