07

26 3 0
                                    

                                 07



Mag isa ako ngayon sa kwarto habang kumakain ng midnight snacks. Nakahiligan ko ng kumain tuwing hating gabi dahil hindi rin ako makatulog. Namamahay pa ako.

I was busy scrolling on social media when someone knocks. Napabuntong hininga ako bago buksan ang pinto.

I stare at him with a boring look.
"What?"

"Nothing, I'm just checking on you"

Tinignan ko siya ng marahan.

"What's gotten into you?"

"I'm always like this, Leila. Masanay ka na?"

"That you will check on me every night"

He nodded. "Baka ano nang mangyari sayo dito sa kwarto mo"

"Okay, gawin mo kung ano ang gusto mo."

"You sure?" Mapanuyang tanong niya.

I swallowed hard. Bakit parang iba ang ibig niyang sabihin?

"W---what do you mean?"

Tumaas ang sulok ng labi niya. Marahan niyang hinawakan ang baba ng labi niya.

"That I can do whatever I want"

"Get lost,"

Malakas kong sinirado ang pintuan ng kwarto ko. Ano ba ang iniisip niya? Nakakainis ang mukha niya kanina. May ibang gusto iparating ang paraan ng pag titig niya kanina. He is so annoying.

Kinabukasan, nahuli ako sa klase. Second period na ang naabutan ko. Hindi tumunog ang alarm clock ko at saka late na akong natulog kagabi. Pag gising ko kanina, wala na si Adriel sa condo. Pero, nagluto siya ng agahan. Nilagyan niya ito ng sticky note, na may nakasulat na, nauna na raw siya pumunta ng school dahil may orientation sila.

"Nagkita raw kayo ni Kuya Niccolo kagabi?" tanong sa akin ni Niecy.

"Oo, nagulat nga ako dahil andun siya"

Kasalukuyan kaming nasa kiosk ni Niecy. Kinukwento niya sa akin na nagkita sila kanina ni Adriel. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi niya kagabi.

"Nakakairita! Hindi niya ako pinansin" umismid ito.

"Maybe he's busy. Marami bang kaibigan si Adriel?" Usisa ko.

"May dalawa siyang kaibigan. Sila Taj at Rhys. SMG sila beh"

"SMG?"

"Samahan ng mga Mababangong Gwapo"

Napangiwi ako.
"Saan mo napulot iyan?"

"Narinig ko lang. Iyan kasi ang tinatawag sa kanila. Sa kanilang tatlo, si Taj ang pinaka friendly."

"Paano mo nalaman? Friend kayo?"

"Hindi, pero namamansin siya, unlike Adriel." She rolled her eyes. "Kung hindi mo lang talaga siya fiancé, baka anong nasabi ko kanina."

"Kailan ba ang engagement party niyo?" Dagdag niya.

"Next month,"

"Invited ba ako?"

Umiling iling ako. "Sorry, hindi"

"Ang sama mo! Bagay kayong dalawa. Sarap niyong iuntog"

"Whatever. Mauna na ako, Niecy. May klase pa kami"

Umupo agad ako nang makarating ako sa classroom. Mapakla akong ngumiti nang nilapitan ako nqi Anitha. Hindi ko na kailangang hulaan kung bakit andito siya ngayon sa harapan ko.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now