04

36 4 0
                                    

                                 04



Naiwan akong nakatunganga habang mahigpit na nakahawak sa cellphone. Should I thank him? Agad kong chineck ang cellphone ko baka pinakialaman niya ito o may nabasa siya. Hindi ko sinasabing malikot ang kamay niya, I just don't trust someone I've just met.

Nakahinga ako ng maluwag nang nakumpirma kong hindi niya ito pinakialaman. Bumalik na ako sa upuan ko dahil dumating na rin ang propesor namin.

"Bakit hawak ni Adriel ang cellphone mo?" Usisa ni Adriel

Nag ayos muna ako ng gamit dahil kakatapos lang ng aming klase. Humarap ako sa kanya at nag isip kung ano ang pwede kong isagot sa tanong niya.

"Ah ano kasi, naiwan ko pala sa bahay ang cellphone ko. Pinabibigay ni dad."

Napakamot ako ng batok.

"Close sila ng dad mo?"

"Medyo, nagkita pala sila ni dad sa gate kanina kaya si Adriel nalang ang nagsauli ng cellphone ko"

Tumango- tango siya. Is he buying it?

"Bakit sila close?"

Is this an interview?

"Yung dad ni Adriel and my dad are business partners"

"Close ba kayo ni Adriel+---"

I cut him off  "Ma'am Eva is here"

Mabuti nalang dumating si Ma'am baka saan pa mapunta ang usapan ni Caesar. He is a chismoso. Sa buong klase, iniisip ko kung dapat ba akong magpasalamat kay Adriel. Madali lang naman magpasalamat, pero bakit parang hirap sabihin kay Adriel. Maybe he'll just brag to me about how nice he is.

"We're going to meet tonight"anunsiyo ng group leader namin na si MJ.

Kasalukuyan kaming nasa kiosk para mag meeting. May group task kami na dapat ipasa bukas. Kagrupo ko rin si Kaius, tahimik lang siya habang seryosong nakikinig.

"Kung hindi natin ito matatapos ngayon, ipagpatuloy natin ito mamayang gabi"

"Saan tayo magkikita mamaya?"

"How about sa bahay nila Kaius, if it's fine with him" Suhestiyon nila.

Tumingin kaming lahat kay Kaius. Para kaming tanga na naghihintay sa sagot niya. Gusto ko sana mag prisinta na sa bahay nalang kami gagawa kaso sa condo na pala ako nakatira.

"It's fine with me" he said.

"Then we're good, text us your address"

I cleared my throat.

"Anong oras tayo mamaya?" Tanong ko.

"After class, 5pm dapat andun na tayo kila Kaius"

Sinimulan na namin gawin ang tasks. For sure, hindi namin ito matatapos ngayon. Natigil kami sa aming ginagawa nang magring ang bell, hudyat na lunch break na. Nauna nang umalis ang ibang kagrupo ko. Naiwan ako kasama si Kaius, na nag aayos rin sa gamit niya.

"Okay lang ba talaga na pupunta kami sa bahay niyo mamaya?" I asked.

He nodded.

"Okay, mauna na ako"

Pagkarating ko sa cafeteria, pumila at kumuha muna ako ng pagkain bago umupo sa tabi ni Niecy at Novie.

"Ano pala yung sasabihin mo kahapon, Leila?" Tanong ni Novie.

"Ah ano, hindi ko alam kung maniniwala ka sasabihin ko. Please don't overreact, and don't shout"

Tumingin siya sa akin na may halong pagtataka. Napakagat ako ng labi bago sabihin sa kanya.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now