12

20 2 0
                                    

                                  12



Tuwing maalala ko ang sinabi ni Anitha kanina, kinakabahan ako. She's really eager to get Adriel. Bigla ako nakaramdam ng inis kanina. Iritado ako sa mga sinasabi at kinikilos niya. I suddenly hated Anitha.

"Yey! Kagrupo ko si Leila" maligayang sambit ni Caesar.

"Malas ko," pabiro ko.

Bigla siyang napaismid.
"Kurutin kaya kita?"

"I was just kidding. Swerte ko kaya dahil may matalino akong kagrupo"

"Omsim!"

I raised my hand. Nakuha ko ang atensyon ng mga kagrupo ko.

"Si Caesar nalang ang leader" I suggested.

"Ha? Wag, iba nalang."

Kasalukuyan kaming nagpupulong ng kagrupo ko. Para ito sa reporting namin next week. Natatawa ako dahil walang nagawa si Caesar kundi pumayag. Pinipilit kasi namin siya. I know he's capable of leading the group.

Nagsimula na siyang magtalakay tungkol sa gagawin namin. Hinati- hati na rin namin ang mga gagawin. Pagkatapos ng meeting namin, inayaya ako ni Caesar na maglibot. Kompleto na lahat ng booths, bukas na ang Acquaintance Party namin.

Napamangha ako sa ganda ng mga disenyo ng booth. Pinaghandaan talaga nila. Marami pa rin ang nagpapatuloy sa pag aayos ng booth nila. Nginitian ko ang bawat tumatawag sa akin. May mga kakilala ako sa bawat department. Mga elementary at high school classmates ko. Pero ang iba, hindi ko matandaan ang pangalan, ngiti nalang ang iginawad ko.

"Let's try the movie marathon booth tomorrow" Caesar suggested.

"Libre mo?"

He nodded. "Ang lakas mo kaya sa akin" he winked.

Napangiwi ako. "Bet mo 'ko? Baka masira ang friendship natin"

"Hindi no' . Parang nanay na ang turing ko sayo"

"What?!" I snapped at him.

"Just kidding, basta bukas ah"

Tumango ako. Pagkatapos naming maglibot, bumalik na kami sa classroom. Nang uwian na, nagkita kami ni Adriel sa corridor. Kailangan kong magpaalam, inimbita kasi ako ni Novie sa bahay nila, birthday ni Tita Isabel. Sayang nga lang, hindi makakapunta si Niecy dahil may group activity sila.

"Mamaya pa ako uuwi ng bahay" I said.

Biglang naging matalim ang titig niya sa akin. Tila binabasa niya ang mga mata ko.

"Why?"

"Pupunta ako sa bahay ng kaibigan ko, birthday ng mama niya"

"I'll go with you"

Tumalikod na siya at nagsimula ng maglakad. Umarko ang kilay ko. Mabilis ko siyang hinigit at iniharap sa akin.

"You're not invited, Adriel. At isa pa, hindi ka nila kilala"

"Magpapakilala ako. "

"Not now, Adriel. Uuwi ako agad"

He let a deep sigh. Napahawak siya sa kanyang sintido.

"You promise?"

I nodded.

"Okay, text me if you get there"

Nagtipa ako ng mensahe para kay Novie. Kanina pa kasi niya ako hinahanap. Medyo malayo ang bahay nila kaya natagalan ako. Bandang 6 pm na ako nakarating sa kanila. Agad kong binati si Tita Isabel. Nagbigay rin ako ng regalo.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now