08

25 3 0
                                    

                                  08



Bandang hapon, tinigil ko muna ang pagpipinta ko. Ipinilig ko ng marahan ang aking ulo para tignan ang pininta ko. Hindi ko pa ito tapos. Naligo muna ako dahil ang dumi ko na, nagkalat ang mga pintura sa katawan ko. Pagkatapos ko maligo at magbihis, bumaba na ako dahil nakaramdam ako ng gutom.

Napansin kong wala si Adriel. Ang tahimik ng buong unit namin. Inilibot ko ang tingin ko sa buong unit para hanapin si Adriel, ngunit wala ito. Napangiwi ako bago nagtungo sa kusina.

Naghanap ako ng pwedeng makain. Napabuntong hininga ako ng puro junk foods ang nasa ref, ang iba ay kailangan pa lutuin. I decided to order food online. Ilang minuto ang nakalipas, dumating na rin ang inorder ko. Agad kong nilantakan ang fried chicken. Nag timpla na rin ako ng juice para may panulak. Habang kumakain ako, nakarinig ako ng ingay galing sa may living area.

Bigla ako nakaramdam ng kaba. Baka nalooban kami. Napalunok ako ng ilang beses dahil boses ng mga lalaki ang naririnig ko. Napagpasyahan kong kumuha ng kutsilyo, para may pang depensa ako.

Dahan dahan akong lumabas ng kusina. Tahimik ang bawat hakbang ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Adriel ngunit kumunot ang noo ko dahil may kasama siyang dalawang lalaki.

"Why are you holding a knife?" He asked

Napakurap-kurap ako bago tinago sa likuran ko ang kutsilyo. Napansin kong nakatingin silang lahat sa akin kaya mas nahiya ako.

"A-akala ko nalooban tayo,"

"What the heck, Leila?"

Mabilis akong tumalikod at nagtungo sa kusina. Ibalik ko na ang kutsilyo. Tinapos ko muna ang kinakain ko bago lumabas ng kusina. Nakakahiya yung ginawa ko kanina, pero wala namang masama sa ginawa, sadyang kinabahan lang ako kanina. Paano kung nalooban talaga kami, edi deads ako ngayon, last minute ko na sa mundo.

Humugot muna ako ng lakas bago lumabas ng kusina. Nakayuko ako habang naglalakad. Hindi ko kinakaya ang tingin nila sa akin. Baka naisip nila kanina na baliw ako. Napamura ako ng tinawag ako ni Adriel.

"Come here, Leila" he said.

Umarko ang kilay ko bago lumapit sa kanila.

"I want you to meet my friends."

Bumaling ang tingin ko sa mga kaibigan niya na ngayon ay nakangiti.

"This is Taj Garret Martinez" itinuro niya ang matangkad na lalaki "This guy beside me is Rhys Laurel"

"Glad to meet you, Leila" wika ni Taj

"Hello," tipid akong ngumiti.

"Sa wakas nakilala ka na namin, Adriel been talking about you a lot" si Rhys.

Agad kong sinipat si Adriel. He talks a lot about me, huh? Ano kaya ang sinasabi ng kurimaw tungkol sa akin. I wanna know.

Ngumisi ako.
"Ano naman ang sinasabi niya tungkol sa akin?"

"Suplada ka raw" Taj bluntly said.

Inirapan ko si Adriel.

"See, kayo mismo nakakita kung gaano siya kasuplada. She's very good at being suplada"  Natatawang wika ni Adriel.

"But you know what Leila, he always says that you're gorgeous."

Napakagat ako ng labi. Tinignan ko si Adriel, at hinintay na bawiin ang sinabi ng kanyang kaibigan ngunit hindi niya ito ginawa. He just look at me intensely.

"But Adriel is right. Suplada at maganda ka."

Was that a complement or an insult?

"You took business management?" Taj asked.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now