19

20 2 0
                                    

                                  19



"You look tense, Leila" Adriel said.

Kasalukuyan kaming nasa pintuan papuntang garden dahil tatawagin na kami. Nakikinig kami ngayon kay daddy na nagsasalita sa harapan. Pinagpapawisan na ako dahil sa kaba. Kanina pa ako hindi mapakali. Pinapaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay.

Natigil ako sa ginagawa ko nang biglang hawakan ni Adriel ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

"Just relax, I got you. Stay beside me."

I bit my lower lip. "Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. This is new to me."

"This is new to us, Leila. We're doing this together, don't worry." He said.

"T--thank you, Adriel"

Binitawan na niya ang kamay ko saka hinigit ako papalapit sa kanya. Ilang sandali ang nakalipas, tinawag na kami ni daddy. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago naglakad papuntang stage. Lahat ng mga bisita ay nakangiti sa amin habang pumapalakpak. Napalingon ako kay Adriel nang hawakan niya ang baywang ko. Inalalayan niya ako hanggang makarating kami sa stage. I roamed my eyes around. Kinuha ni Adriel ang mic para magbigay ng speech.

"Good evening everyone. Thank you for coming to our engagement party. This means a lot to us. Enjoy the night and see you all at our wedding soon"  he said.

Hindi ako mapakali ng binigay sa akin ni Adriel ang mic. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Just thank them, Leila" Bulong sa akin ni Adriel.

Mahina akong tumango. I bit my lower lip. I cleared my throat and swallowed hard.

"T-thank you to all who came here tonight to celebrate this w-wonderful event. Let's have a blast tonight. G-good evening." Utal utal kong sabi.

Inabot ko kay daddy ang mic. Nagbigay siya ulit ng speech bago nagsalita ang emcee. Nilapitan ko sila daddy at Tito Albert. I kissed their cheeks and hugged them. Adriel did the same thing.

"Are you okay?" Mom asked.

"Feel better now"

She smiled. "Just enjoy the night. Umupo ka lang at manood."

I nodded. Nagsimula nang magserve ng pagkain. Nalaman kong may mga larong hinanda para mas masaya ang engagement party. I haven't been to an engagement party. Kaya bago sa akin ito, ngayon ko lang nalaman ang mga ginagawa sa engagement party. Kumain muna kaming lahat.

"Eat a lot," Adriel said.

Nilagyan niya ng maraming ulam ang pinggan ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ko ito mauubos, Adriel. Baka masayang lang."

"I'll eat it kung hindi mo maubos."

Napangiwi ako at nagpatuloy sa pagkain. Napangiti ako nang makita sila Niecy na nakatingin ngayon sa akin. Pinandilatan ko sila nang mapansin ang mga mapanuyang ngiti nila. Iniripan ko sila at inilibot ulit ang tingin.

"Did you invite Taj and Rhys?" I asked.

He nodded. "Kahit hindi ko sila imbitahin, pupunta pa rin sila."

"Puntahan natin sila."

"Later after you eat."

Tinapos ko agad ang aking pagkain. Nag ayos na ako bago tumayo. Napagpasyahan naming lapitan ang mga bisita para kausapin at pasalamatan sila. Una naming pinuntahan ang mga kamag- anak ni Adriel. I smiled at them.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now