11

23 3 0
                                    

                                  11

"Congrats sa team niyo Kaius"

Ngumiti ito. "Thank you, Leila."

"Narinig mo ba ang cheer ko kanina?"

"Hindi eh, ang ingay kasi"

Nadismaya ang mukha ko.

"Sayang yung laway ko hindi mo pala narinig, bungol ka"

"What did you cheer? Let me hear it again"

Humalukipkip ako. "Wag na, baka kiligin ka"

"I wanna hear it."

"Nakalimutan ko na," pagsisinungaling ko.

Pagkatapos naming mag usap ni Adriel kanina, nagpaalam na ako dahil gusto kong mag congratulate kila Kaius. Nagpupumilit siya na sumama sa akin pero hindi ako pumayag. Baka ano na naman ang sabihin niya. Hindi ko pa naman gusto ang lumalabas sa bibig niya.

"Are you free tonight?" He asked.

"Wala akong gagawin mamayang gabi, bakit?"

"Pupunta kami ng bar. You can bring your friends"

"I'll think about it,"

"I'll chat you the address. I'm expecting you there"

Bumalik na ako sa classroom para maglinis. Gusto ko sana kausapin si Anitha kaso wala siya. Kanina pa siya wala, sabi nila, umuwi na raw. If I were in her shoe, I will feel the same. Masasaktan rin, crush mo iyon eh tapos sinabihan ka ng ganoon. Adriel is sometimes insensitive.  Kakausapin ko bukas si Anitha tapos makikipagkita kami kay Adriel, he needs to say sorry.

Pagkatapos naming maglinis, inayos ko muna ang gamit ko bago naglakad papunta sa sasakyan. Habang naglalakad ako, nagtitipa ako ng mensahe para nila Niecy. Baka gusto nila sumama mamaya. Agad akong nakatanggap ng reply galing kay Niecy, hindi siya free mamaya ganoon rin si Novie.

Papasok na sana ako ng sasakyan ng biglang tumawag si mommy.

"Hello, my?"

"How are you, Leila?" She asked over the phone.

"I'm good po, kumusta kayo ni Daddy? I'll visit you this Sunday."

"Okay lang, kakauwi lang namin galing sa business trip. Isama mo si Adriel ngayong linggo"

"Okay, nandyan ba si daddy?"

"Nasa opisina pa,"

"Send my regards to him. I'll hang up now. Be safe!"

Pinatay ko na ang tawag saka pumasok na sasakyan. Pagkarating ko sa unit namin, nadatnan ko si Adriel sa sala. May sinusulat ito. Nang mapansin niya ako, tumigil siya sa ginagawa niya at tinignan ako ng matalim.

"Masaya ba kausap si Kaius kaya ngayon ka lang umuwi?"

I make face. "Si daddy ba ang peg mo? Daddy, huh?"

"What? You want me to be your daddy?"

Dahan dahan niyang hinawakan ang baba ng labi niya. Isang mapanuyang ngiti ang ipinakita niya.

"Bingi ka ba?"

He laughed. " Just kidding, but it sounds sexy to me when you call me daddy"

Hindi agad ako kumibo. Ngayon ko lang siya nakita na tumawa. I was amazed to see him laugh. Nagpipigil ako ng ngiti.

"Tumahimik ka nga. Baka masupalpal kita"

"Magluluto muna ako ng hapunan. Your daddy will just call you when the food is ready" pang aasar niya sa akin.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now