06

25 2 0
                                    

                                 06


Ipinilig ko ng bahagya ang aking ulo. Nilibang ko ang sarili ko sa panonood sa labas. Ang dami palang estudyanteng naglalakad pauwi. Marami rin nagtitinda ng mga street foods.

Bigla akong nalungkot ng maalala ko si Alina. We used to eat street foods. Dito nauubos ang baon namin. Lahat siguro ng tinitinda dito, natikman na naman. Kailan kaya mauulit, how I wish Alina is here.

"How's your day?" He asked.

"Pretty good,"

I don't know why I  feel special when someone asked how's my day. Nakakatunaw ng puso.

"Do you have any plans this weekend?"

Umiling iling ako.

Biglang pumasok sa isipan ko ang pagpipinta. Gusto kong magpinta ulit. I'll spend my weekend painting in my room. Pero kailangan ko muna bumili ng bagong gamit.

"Let's go out this weekend"

"Why?"

"Gusto ko lang, Leila. May problema ba?"

Ngumisi ako. "Ang swerte mo naman kung sasama ako."

"Sino sa ating dalawa ang feeling?"

Umarko ang kilay ko.

"Ikaw!"

He chuckled. "Okay, madali lang naman akong kausap."

Pagkarating namin sa bahay nila Adriel, agad kaming sinalubong ni Tita Eren. Nakipagbeso ako sa kanya, at iginiya niya ako papasok ng bahay nila. Sumunod naman si Adriel. May kalakihan rin ang bahay nila. May tatlong palapag ito.

Nang matanaw ko sila mommy, mabilis akong naglakad papalapit sa kanila. Nasa living room sila, may pinag uusapan. I kissed mom and dad's cheeks.

"Good evening po," I greeted them.

"Leila hija, kumusta ka?" Aniya ni Tito Albert.

Ngumiti ako. "Okay lang po, kumusta kayo?"

"We're good," bumaling siya kay Adriel. "Kumusta kayo sa condo?"

"We're doing fine. May mga adjustments. But we're totally fine, diba Leila?"

Napaawang ang bibig nang bigla siyang nagtanong.

"Ah, opo. Medyo nahihirapan ako sa pagtulog, hindi kasi ako sanay."

"Masasanay ka rin, hija."

"Ipagpatuloy natin ang ating kwentuhan sa hapag kainan"

Ngumiti ako saka naglakad patungo sa dining are nila. Ngayon ko lang napansin, wala ang kapatid ni Adriel. Hindi ko pa nakakausap si Virgo, he's a shy type. At hindi ko rin siya nakikita sa campus.

Habang kumakain kami, bigla ako nawalan ng gana. Napagtanto kong ngayon pala namin pag uusapan ang tungkol sa engagement party.

Natigilan ako sa pagkain at nag isip ng pwede sabihin mamaya para mapilit ko sila. Alam ko kasing sa susunod na  aming engagement party, I heard it from mom. I want to move the engagement party. Huwag muna ngayon. Hindi pa ako handa, I want to know Adriel even more.

"May problema ba, Leila?" Tanong sa akin ni mommy nang napansin ang pagtigil ko sa pagkain.

"M--may iniisip lang, mommy"

"Leila anak, alam mo naman ang tungkol sa engagement party, diba?"

Mahina akong tumango. Napainom ako ng tubig saka deristsong tumingin kay daddy.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now