05

28 2 0
                                    

                                 05


"Didn't you hear what I said?"

Mabilis akong pumasok sa sasakyan. Hindi na ako nakapag- paalam sa mga kagrupo ko dahil sa pangyayari. Hindi ako mapakali dahil kinakabahan ako. His eyes are raging in fire.

Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. Sa buong byahe, hindi kami nag usap. Mabilis pa rin ang pintig ng puso ko. Sa sobrang tahimik, halos marinig ko na ang bawat hininga niya. Pagkarating namin sa condo unit namin, nauna na akong pumasok. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.

Pagkapasok ni Adriel, sumunod siya sa akin .

"Don't ever do that again," he said

Humarap siya sa akin habang nakahumalukipkip.

"I promised to your parents that I will take care of you, that I will keep you safe. Lahat ng kaibigan mo tinawagan ko para malaman ko kung saan ka nagpunta, Leila. Halos mabaliw na ako kakahanap sayo!"

Inis niyang ginulo ang buhok niya. Napasinghap ako.

"I--- I'm sorry, Adriel."

"Binigay mo sa akin ang number mo pero walang silbi pa rin dahil hindi mo sinasagot ang tawag ko"

"Na lowbat ang cellphone ko,"

"Wag mo na uulitin iyon, Leila."

I nodded slowly.

"Paano mo nalaman na nandun ako kila Kaius?"

"I asked my friends in your department. I searched every Facebook account of your classmates. Just to know where on earth you are"

My lips parted. Hindi ako makapaniwala na ginawa niya iyon. We're not even close but the way he acts....melts my heart. Pero, ginagawa niya lang ito dahil kinausap siya ni dad, parte lang ito sa usapan nila.

"I can't believe you did that"

"Ako rin, hindi ko akalain na magagawa ko iyon. Ito ang unang beses na nagawa ko iyon. Next time, sabihan mo ako kung saan ka pupunta para hindi ako parang tangang naghahantay sa supladang Leila"

"Oo,"

Sa totoo lang, ibang Adriel ang nakita ko kanina. Iba sa nakilala ko. Ang kilala kong Adriel ay mabait at palabiro. Pero kanina, natakot ako kay Adriel. The way he look is unbearable. Galit na galit ang mga mata niya.

"Thank you, Adriel. I don't know if you're concerned or if this is just because of the engagement. But thank you"

Pumanhik na ako sa kwarto. Naligo muna ako at nag ayos bago humiga sa kama. Nakakapagod ang araw na ito. Idagdag mo pa ang nangyari kanina. Sana hindi magtanong ang mga kagrupo ko tungkol kay Adriel. They saw him, they saw haw furious he was.

Baka anong isipin nila dahil magkasama kami ni Adriel. Kailangan ko na naman mag isip ng palusot ko bukas. Nakahiga ako ng tuwid habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

I can't stop thinking about what happened earlier. Kung makakilos kanina si Adriel, para ko siyang boyfriend. Kung concern man siya sa akin, siya lang ang kilala kong concern na galit na galit.

May konting saya akong naramdaman kanina nang malaman ko ang mga ginawa niya para lang mahanap ako. I find it very sweet. Pero ayokong umasa, baka ginagawa niya lang iyon para sa engagement.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos. Naligo muna ako at nag ayos bago bumaba para mag agahan. Naunang gumising si Adriel. Ayoko nang magmadali baka maiwan ko ulit ang cellphone ko. Habang pababa ako ng hagdan, naamoy ko na ang niluluto ni Adriel.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now