09

20 3 0
                                    

                                 09



Kinabukasan, maaga akong gumising dahil magsisimba kami ni Novie. Gumising ako na may inis pa rin sa kalooban. Kumain muna ako ng agahan bago naligo. Pagkatapos ko maligo, pumili ako ng susuotin ko. Nag text ako kay Novie na papunta na ako. Magkikita nalang raw kami sa simbahan.

Pagkababa ko sakto rin na lumabas si Adriel galing sa kwarto niya. Mabilis akong naglakad pababa. Naramdaman kong nakasunod siya sa akin.

"Leila let's talk"

Hindi ko siya nilingon. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang nakalabas na ako ng unit namin.

"Leila!" He shouted.

Binalewala ko siya. Nagmamadali akong sumakay ng elevator. Hindi ko pa kayang kausapin si Adriel. Baka pagkinausap ko siya, may iba akong masabi. May inis pa akong nararamdaman, gusto ko muna itong pahupain. At hindi ko malilimutan ang ginawa niya.

Pumara na ako ng taxi saka nagtungo sa simbahan. Sinabihan ko na sila mommy na hihiramin ko ang isa naming kotse. Para hindi na ako aasa kay Adriel. Tuwing tinitignan ko si Adriel, mas lalo akong naiinis. Naalala ko rin ang nangyari kagabi, umuwi siya ng lasing. Nakakainis!

"Saan ka pupunta pagtapos ng misa?" Novie asked.

Kakarating ko lang sa simbahan. Hindi pa nagsisimula ang misa kaya nag usap muna kami ni Novie. Minsan ko nalang makausap si Novie sa school dahil busy rin siya. Kailangan namin mag bonding talaga.

"Pupunta ako kila mommy, kukunin ko ang sasakyan"

"May driver's license ka na pala?"

I nodded. "I got my driver's license last week"

"Kanta yan eh"

Mahina akong tumawa. Nakakamiss makipag chikahan sa kanya.

"Kumusta kayo ni Regan?"

"We're fine. Minsan nalang kami magkita dahil busy siya."

"Nag usap naba kayo ni Alina? Do you have any updates?"

Mahina siyang umiling. "Hihintayin ko nalang kung kailan siya handa. She's in pain, she needs more time."

Kalaunan, nagsimula na rin ang misa. Nagdadasal ako ng mataimtim. I'm praying that everything will be fine. Nang natapos ang misa. Naghiwalay na kami ni Novie. Agad akong pumunta sa bahay. Wala sila mommy dahil may business trip sila. Kinuha ko nalang ang susi ng sasakyan kila manang.

Habang pabalik ako ng condo, dumaan muna ako sa isang fast-food chain. Umorder ako ng pagkain para sa tanghalian ko.

"I need to talk to you, Leila. Let me explain"

Bungad sa akin ni Adriel ng makarating ako sa unit. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig at plato. Napagpasyahan kong sa kwarto nalang ako kakain.

"Leila please!"

Napasinghap ako ng bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko. Nanatiling blangko ang ekspresyon ko. Agad kong hinawi ang kamay niya.

"Please don't do this to me Leila. I'm sorry, I'm sorry"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Dinaanan ko lang na parang hangin. Pumanhik na ako sa kwarto ko. Total, maaga pa naman. Tatapusin ko nalang ang pagpipinta ko. Paraan ko na rin ito para may dahilan akong hindi lumabas.

Tinignan ko ng mabuti ang pininta ko. Hindi ko ito matatapos ngayon. Bandang alas dose ng nakaramdam ako ng gutom. Pumwesto na ako sa kama para doon kumain. Habang kumakain ako, biglang pumasok sa isipan ko si Adriel. Ano kaya ang ginagawa ng kurimaw.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now