PROLOGUE

1.6K 47 8
                                    

"Vi will you stop pacing?" Red tells her. Kanina pa ata kasi ito nahihilo sa paikot ikot niya.

"Paanong di ako mag papaikot ikot dito. Darating ang mga kabarkada ko and I told them they will soon meet my mom and dad."

Kumunot ang noo ng kakambal. "What Mom and Dad? Meron lang tayong Momma at Mommy." Saka nito pinag patuloy ang pag d-drawing ng kung ano sa canvass nito.

Napairap siya. Wala na itong ginawa mag hapon kung hindi mag pinta at mag drawing sa sketch pad nito. Hindi niya maintindihan ang hilig nito sa buhay. Feeling niya mag kakakalyo lang siya kapag nag pinta siya o nag drawing.

"Aist!" Tila hindi na naman ito mapakali sa kakaikot niya sa harap nito. "Patay ako nito."

Sumulyap sa kanya ang kakambal. "You should have think about it before you start being with your fake friends."

She glares at her sister. "Wala ka kasing social life kaya wala kang pake sa sasabihin ng ibang tao."

Tila wala naman itong pake sa sinabi niya. Tuloy tuloy lang ito sa pag p-pinta. She grunts in frustrations. Sino ba ang pwede niyang mapakiusapan sa mga kalokohan niya? Then it hit her. Napangisi siya. Ang ate Alyssa niya!

Agad niyang kinuha sa bulsa ang smart phone niya. Then she dials her ate Alyssa's number.

Ilang ring lang ay sinagot na din naman nito. "Hello? Ate Alyssa?"

"Uy Vi!" Tumili pa ito sa kabilang linya. "Anong kalokohan na naman ba ang balak nating gawin ng araw na to?"

Napatawa siya. Halatang excited ito. Wala kasi silang magawang kalokohan ng mag kasama this past few days dahil nangako silang mag titino muna. Paano ba naman ang Momma at Mommy niya. Babawasan daw ang allowance niya kapag gumawa na naman siya ng kalokohan. Pati na din at ate Alyssa niya. Napagalitan ito dahil sa pag sama sa kanya. Parehas niya ang pinataw na parusa dito ng magulang nito.

"Oo ate. Kalokohan talaga. Ano G ka?" Napapa tapik pa siya sa study table niya.

"Ano ba yan?" Tila na curious ito.

"Maghanap ka ng papayag na mag panggap bilang papa at mama ko."

"WHAT?!"

Nakangiwing inalis niya ang cellphone sa tenga. Ang lakas naman ng sigaw nito.

"A-Ate?" Inilapit niya ulit ang phone sa tenga niya ng hindi na ito sumisigaw.

"Anong kalokohan na naman tong iniisip mo Vi?!"

Patay! Mukha ngang ayaw nitong gawin ang plano niya. Nag bakasakali lang naman siya. Alam niya din namang baka hindi ito sumang ayon sa plano niya. But still she has other plans para mapa oo ang ate Alyssa niya.

"Sige na naman ate."

Sinilip niya ang kambal niya. Busy ito sa pag pinta. Malapit na nga ata nitong matapos ang may mga kulay blue at kulay red at black na paint sa canvass. Hindi niya maintindihan ang canvass nito. Expressionism ata ang ginagawa nito. Pero hindi iyon ang concern niya kung bakit niya ito sinilip. Ayaw niyang marinig nito ang usapan nila ng ate Alyssa niya. Kaya lumabas muna siya sa condo nila. Pumunta siya sa bandang elevator.

"Hindi ako papayag Violet De Silva! Anong kalokohan mo? Kinakahiya mo ba sina Ate Cas at Ate Momo?"

Nilayo niya na naman ang phone. Pambihira. Masisira ang tenga niya sa pag sigaw nito.

"H-Hindi ko naman kinakahiya sina Momma at Mommy. Kaya lang...." Napayuko siya. Then she sighed. "Homophobic ata ang mga kaibigan ko. Lagi nilang pinupulaan yung mga mag syotang babae at mag syotang lalake sa school. Ayaw ko namang tuksuhin nila ako."

"Hindi kita tutulungan sa kalokohan mo Vi. Kung kaibigan talaga ang turing nila sayo. Matatanggap nilang parehas na babae ang mga magulang mo. Ibababa ko na itong phone."

Shit! Nag susungit na ito. "W-Wait! Wait lang naman ate Alyssa!"

"Ano? You have ten seconds."

Huminga siya ng malalim. Kailangan niya na talagang gamitin ang super weapon niya laban dito. Kagaya ng lagi niyang ginagawa para masuhulan itong sumama sa mga kalokohan niya.

"I will give you pictures of my sister. Yung mga picture niya na naka Tweety Bird pajamas siya."

Narinig niya ang pag singhap nito sa kabilang linya. Tumikhim ito sa saglit na pag kagulat sa sinabi niya. Unti unti namang sumilay ang mga ngiti sa labi niya. Malapit niya na itong mapapayag. Unti na lang.

"Pero hindi iyon sapat. Malaking kalokohan itong naiisip mong gawin Vi."

"I know. Kaya nga ikaw ang hinihingan ko ng tulong. You wouldn't let me down. Di ba?"

"I will let you down. Lalo pa at tungkol ito kay Ate Cas. Si Ate Cas ang dahilan kung bakit may normal na akong buhay. Tapos gaganunin mo lang yung tao. Worst nanay mo pa."

Napangiwi siya then she scratched her eyebrows. Kinokonsensiya pa siya nito. Nakakakonsensiya naman talaga, pero kasi nag sisimula pa lang siya ng senior high niya. Ayaw niya namang maging kagaya ng isa nilang kaklase na walang kasama habang kumakain ng lunch. Tapos lagi pang na b bully. Mas smooth ang senior high kapag maraming barkada at halos tanggap ka sa lahat ng social circle.

"Sige yung naka swim suit na lang ang kapatid ko. Yung yellow niyang swimsuit. Tsaka yung naka red swimsuit siya."

Huling bargain niya na iyon. Kumagat ka. Kumagat ka na please.

She heard her ate Alyssa sigh. "Siguraduhin mo lang Vi na una at huli na itong pag papanggap. Kung hindi kukutusan na talaga kita." Tumikhim ito. "Basta yung tatlong pictures ni Red ha? Wag mo akong lolokohin dahil alam ko kung anong pag kakaiba niyo ni Red."

Napangiwi siya. Tama ito. She tried to give her ate Alyssa, one of her pictures. Pero sadya ata talagang patay na patay ito sa kambal niya. Ang dali lang nitong malaman kung siya o kakambal niya ang nasa picture. Hindi din naman kasi niya maiwasan ang side smirk niya sa tuwing mag papa picture. Parang lagi siyang nakatingin sa camera at may naiisip na kalokohan. Samantalang ang kapatid niya. Napaka serene ng itsura tapos lahat ng stolen shots nito ay stolen shots talaga. Like her sister was just always caught up in a moment. Pero maganda pa rin ang mga result ng pictures. Isa pa ni hindi ito ngumingiti.

Napailing siya. Kaya nga takang taka siya sa ate Alyssa niya. Crush na crush nito ang kapatid niya. Hindi naman ito pinapansin nung isa.

"Deal ate Alyssa."

"Bahala ka kung mahuli ka na naman ng magulang mo sa kalokohan mo. Baka maipadala ka na nila sa Zambales."

"Anong meron sa Zambales ate Aly----"Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil binabaan na siya nito. Napasimangot siya. Ang bastos na nito sa kanya. Samantalang mag kasundong magkasundo naman sila noon.

Di bali. May solusyon na sa problema niya. And that is enough for her. 

Violet's are Blue - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon